Jimuel Pacquiao Parte Na Ng Star Magic Kilalanin Ang Dalawang Kapamilya Actress Na Nais Niyang Makatrabaho

Noong March na nakaraang Linggo ay napanood natin sa ASAP si Jimuel Pacquiao kasama si Iñigo Pascual sa isang performance at dito din ay ipinakilala siya bilang isang ganap na parte na ng Star Magic.

Photo Credit: teamjimuel/Instagram




“I’m very happy coz ever since din, I got interested in acting. So I’m very very happy naman na I’m part of Star Magic now,” ang naging saad ng binatang Pacquiao sa isang interview ng PUSH.

Photo Credit: teamjimuel/Instagram

Nagpapasalamat si Jimuel sa mga bagong pangyayari sa kanyang buhay lalo na sa kanyang career.

Photo Credit: teamjimuel/Instagram

“I don’t want to waste the opportunities na binibigay. And I’m new and I want to try a lot of things. Me, mahilig ako nag try ng mga new things.” Sa naging performance ni Jimuel sa ASAP noong nakaraamg Linggo, ay ipinakita nito ang kanyang kakayahan sa pag-awit at pagsayaw.

Photo Credit: lizasoberano/Instagram

Ngunit ayon sa binata ay nais niyang makaoagfocus ng husto sa pag-arte. “Sa ngayon, it’s just mostly studying acting. And siguro dance and acting workshops here and there para slow and steady, “saad pa nga ni Jimuel.

Photo Credit: bernardokath/Instagram

Ibinahagi din ni Jimuel kung paano siya nahasa sa pagsasayaw sa harap ng maraming tao. At ayon sa kanya ay madalas siyang magpresent sa kanilang paaralan, maging ang acting ay ginagawa niya sa high school theater class.

Ngayon na ganap na siyang parte ng Star Magic, ay ibinahagi ni Jimuel kung sino sa mga magagandang aktres ng ABS-CBN ang nais niyang makasama sa isang proyekto.
“Siguro yung mga big star na, like u know Kathryn Bernardo at Liza Soberano.




That would be like a dream. Kasi they’re just really very good. And they’re very beautiful also. So it would be like an honor even just in a scene with them. It’d be nice.” saad pa nga ng binata.

Tinanong rin sa binatang Pacquiao kung gaano siya sinusuportahan ng kanyang mga magulang sa panibagong karera na tatahakin niya sa kanyang buhay.
“Well they’re more supportive sa showbiz, compared sa boxing ko kasi takot sila pag nag boboxing ako. So they’re very supportive pagdating sa showbiz.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *