Jinkee Pacquiao Ipinagbibili Ang Mga Mamahaling Koleksiyon Na Gamit Para Makatulong Sa Mga Nangangailangan

Napakaraming mga taong mayayaman sa mundo. Sa Pilipinas pa lamang, hindi na mabilang ang mga “elitista.” Marami sa kanila ay mga kilalang artista, personalidad, o mga bigating mga negosyante. At sa tulong ng social media, unti-unti nang nakikita ng mga tao kung gaano sila kayaman. Kilala rin ang iba sa kanila dahil sa kanilang mga mamahaling mga kagamitan at luho. Ang iba’y may koleksiyon ng mga mamahaling mga bag, mga alahas at mga damit.


Photo credit from google




Katulad na lamang ng asawa ng Pambansang Kamao na si Jinkee Pacquiao. Hindi na rin siguro lingid sa kaalaman ng lahat na napakayaman ni Pacman kaya naman napakarami nitong mga lupain at mga bahay hindi lang sa Pilipinas kung hindi na rin sa ibang bansa.
Maliban pa rito, napakarami ring mamahaling mga gamit na pagmamay-ari ng kanyang asawa si Jinkee Pacquiao.


Photo credit from google


Photo credit from google

Sa sobrang dami ng kanyang mga gamit, may sarili itong kwarto sa kanilang bahay. Nitong nakaraan lamang ay nagpost si Jinkee kung saan nakasaad dito na binebenta na niya ang ilan sa kanyang mga mamahaling gamit. Ang mga kikitain dito ay mapupunta sa itinatag nilang foundation para sa mga batang may sakit sa puso: Jinkee and Manny Heart Foundation.


Photo credit from google

Sa pamamagitan ng kanyang mga social media account, ibinahagi ni Jinkee ang kaniyang mga kagamitan katulad na lamang ng iba’t-ibang mamahaling mga sapatos na talaga namang pinagkaguluhan ng iba’t-ibang mga tao pati na rin ng mga kilalang personalidad at mga artista. Sa sobrang ganda ng kanyang mga sapatos, may isang customer ang nagnais na bilhin ang lahat ng kanyang binebenta ng sapatos.


Photo credit from google

Lahat ng sapatos ni Jinkee ay iisa lamang ang sukat, size 6, kung kaya’t limitado lang rin ang pwedeng mabentahan. Gayun pa man, dinumog pa rin ang kanyang mga sapatos. Isa sa mga binenta niyang sapatos ay ang mamahaling “Christian Louboutin” na kilala sa buong mundo bilang isa sa mga pinakamamahal na sapatos at sinusuot ng mga kilalang tao.
Wala pa namang klarong petsa kung kailan magsisimula ang garage sale ni Jinkee. Pero iisa ang sigurado, tiyak na dudumugin ito ng mga kilalang artista, personalidad at mga taga-suporta ni Pacman at Jinkee!




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *