Jinkee Pacquiao Ipinasilip Ang Loob Ng Kanilang Luxury Van Na Isa Sa Kanilang Mga Mamahaling Sasakyan

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ng asawa ni Boxing Legend Sen. Manny Pacquiao na si Jinkee Pacquiao ang ilang larawan na kuha sa loob ng kanilang Luxury van.

Image Credit via Google

 




Matatandaan na noong October 2019, ng unang ipakita ni Jinkee ang kanilang Luxury Van sa publiko. Ito ay ng mag-posh shopping siya kasama ang kanyang mga anak na sina Michael, Mary Divine Grace at Queen Elizabeth sa isang shopping mall sa Makati.

Image Credit via Google

Napakakomportable nga naman gamitin ng Luxury Van na ito ni Manny at Jinkee, lalo na kung silang buong pamilya ay mamamasyal o magsa-shopping sapagkat ang sasakyan nilang ito ay kayang okupahin ng sampung katao na kumportable ng nakaupo at makakapag pahinga habang nag ba byahe.

Image Credit via Google

Makikita rin sa loob ng van na ito ang mga upuan na gawa sa smooth beige leather, na kapag ikaw ay naupo ay talagang magbibigay sayo ng kumportable at nakakarelax na pakiramdam habang ikaw ay nasa byahe.

Image Credit via Google

May mga kaaya-ayang ilaw din na ikinabit sa ceiling ng sasakyan na ito upang magbigay ng mumunting liwanag, at para na rin maging pribado ang loob nito ay nilagyan pa ito ng mga adjustable Korean blinds.

Ang luxurious van umano na ito ng mag-asawang Manny at Jinkee ay isang modelo na Toyota Hi-Ace Grandia, na ipinare-model at modify ng mag-asawa ayon sa keen fans. Kung titignan pa ang aktwal na labas ng van.

Ay masasabi na parang ordinaryong van lamang ito ngunit kapag ikaw ay nakapasok na rito at na-experience ang maupo sa mga upuan nito ay talagang ma-eenjoy moa ng sumakay dito at mag biyahe ng komportable at relax na relax.

Tunay nga naman na hindi na mabilang ang mga mamahaling ari-arian ng mag-asawang Manny at Jinkee, at ang Luxurious van nilang ito ay isa lamang sa mga nagmamahal ang sasakyan na pagmamay-ari ng kanilang pamilya.




Batid din nating lahat na ang asawa ni Manny na si Jinkee ay mahilig sa mga koleksyon ng mga mamahaling sapatos at bags na talaga namang nakakalula ang mga presyo, pero alam niyo ba na ang mag-asawang ito ay parehong mahilig sa mga magaganda at mamahaling sasakyan kaya hindi kataka-taka na ilang sasakyan na rin ang pagmamay-ari ng kanilang pamilya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *