JM De Guzman May Ibinahagi Kay Barbie Imperial Bago Sila Nag-Kissing Scene Sa Isang Proyektong Kanilang Pinagtatambalan

Isa sa mga hindi malilimutang drama series na inere ng ABS-CBN ay ang “Araw, Gabi” kung saan ay pinagbibidahan ito ng bagong tambalan na sina JM De Guzman at Barbie Imperial.



Ang seryeng ito ay kwento ng pag-iibigan ng dalawang taong nagngangalang Adrian Olvidar (JM De Guzman), isang mayaman na bata at si Michelle Verano (Barbie Imperial), isa namang simpleng dalaga na nagtatrabaho bilang advertising agent.
Image Credit via Google
Ang “Araw Gabi” rin ay isang TV adaptation ng Precious Hearts Romance pocket book na isinulat ni Martha Cecilia at may pamagat na “El Paraiso”.
Image Credit via Google
Matatandaan na ang serye ng ito nina JM at Barbie, ay talaga namang pumatok sa maraming mga manonood dahil sa ganda ng takbo ng kwento at sa dami ng mga kilig scene nito.
Image Credit via Google
Ngunit alam niyo ba, na habang isinu-shoot ang seryeng ito, ay may isang bagay na ginawa si Barbie Imperial, na kung saan ay inamin niya ito kay JM De Guzman pagkatapos nilang mag-kissing scene.
Image Credit via Google
Sa isang panayam noon ni JM, sa “Tonights with Boy Abunda” ni Tito Boy, ay sinabi ng aktor na; “May inamin siya sa akin noong kissing scene naming”, ang naging saad nga ni JM habang binabalikan ang pangyayaring ito, na nagpapatawa sa kanya.
Image Credit via Google
Ibinahagi nga ng aktor ang bagay na ipinagtapat sa kanya ni Barbie, matapos ang kanilang kissing scene sa seryeng “Araw, Gabi.” “Sumuka pala siya bago niya ako halikan. Sumuka pala siya, dahil may sakit siya tapos, so, after niya sumuka hindi niya alam, kissing scene namin.”



Ayon nga kay JM, sa isang shoot ng kissing scene nila ni Barbie sa serye, ay sumuka pala ito bago siya nito halikan dahil umano sa may sakit ang dalaga ng araw na iyon at hindi nito akalain na pagkatapos niya sumuka ay sunod na isho-shoot ang kanilang kissing scene.
Pag-amin ng aktor, noong una ay hindi niya alam kung anong magiging reaksyon niya sa sinabi ni Barbie.
“So inamin niya sa akin, sabi ko, “Thank you for the information. Sarap din.”
Sa kabila naman nito, ay lubos ang naging paghanga ni JM De Guzman sa kanyang co-star at leading lady na si Barbie Imperial, dahil sa husay nito trabaho at talagang binibigay nito ang best nito sa serye upang mas lalo pa itong maging kaabang abang sa mga manonood.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *