Joey Marquez Ibinahagi Kung Gaano Kapantay Ang Pagmamahal Sa Kanyang Mga Anak

Hindi naging lihim sa publiko na ang komedyanteng aktor na si Joey Marquez ay isa sa mga aktor sa showbiz ng nagkaroon ng maraming mga anak sa iba’t ibang nga babae na kanyang naging karelasyon. Si Joey ay mayroong labing-anim na mga anak, at ang mga ito nga ay magkakaiba ng ina.




Ayon naman kay Joey, kahit bigyan uli siya ng pagkakataon na baguhin ang kanyang buhay ay hindi na niya ito babaguhin dahil sa kabila ng iba’t iba ang mga naging karelasyon niya ta marami siyang mga naging anak, ay mahal na mahal naman niya ang mga anak niya.

Photo Credit: tsong_marquez/Instagram

Sa naging panayam ni Ogie Diaz kay Joey sa YouTube channel niya, ay sinabi nga ng komedyanteng aktor na para sa kanya ay ang pagdating ng kanyang mga anak ang pinakamagandang bahagi ng kanyang buhay. Kaya naman, bilang ama ay handa niya gawin ang lahat ng bagay para lamang masiguro ang magandang kinabukasan ng mga ito.

Photo Credit: tsong_marquez/Instagram

Ibinahagi ni Joey na bilang isang ama ay responsibilidad niya ang bigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang mga anak dahil mahal na mahal niya ang mga ito, at hindi siya nag-anak para maging investment ang mga ito.

Photo Credit: tsong_marquez/Instagram

Saad pa niya, napaghandaan na niya ang kanyang pagtanda, kung saan hindi na nga niya kakailanganin pang humingi ng pinansyal na tulong sa kanyang mga anak sakali man na siya ay magkasakit o pumanaw na.

Photo Credit: tsong_marquez/Instagram

Kahit naman hiwalay na si Joey sa ina ng kanyang mga anak, ayon sa komedyanteng aktor ay nanatili ang maayos na pakikisama niya sa mga ito, ito nga ay dahil mahal na mahal niya nag kanyang mga anak at tanging nais niya ay maibigay ang nga bagay na makakapagpasaya sa mga ito.

Photo Credit: tsong_marquez/Instagram

Video Credit: Ogie Diaz/YouTube

“Ayokong magdamdam yung anak ko at mamrobelma siya sa mga magulang niya. Kasama na dito yung paggalang ko sa mga nanay nila , hindi porke’t hiwalay na kayo, hindi na kayo magkasama hindi ka na dapat nag-iisip para sa kanila”, ani Joey.




Naibahagi din ni Joey na bilang isang ama ay masaya siya dahil kahit magkakaiba ng ina ang kanyang labing anim na mga anak ay lumaki naman ang mga ito na malapit sa isa’t isa.
Nai-chika din ni Joey kay Ogie Diaz na naihanda na niya ang kanyang last will testament, na nagsasaad nga ng kanyang pantay pantay na pamana sa kanyang mga anak.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *