John Lloyd Cruz Dumalo Umano Sa Kasal Ng Kaibigang Si Vhong Navarro

Marami ang natuwa sa pagpapakasal ng host ng Showtime na si Vhong Navarro sa kasintahan nitong si Tanya. Isang intimate wedding ang ganap sa kasalang Vhong at Tanya sa The Four Seasons Hotel sa Kyoto, Japan na dinaluhan ng mga kapamilya at malalapit na kaibigan ng dalawa sa loob at labas ng showbiz.

Photo Credit: vhongx44/Instagram




Ilan nga sa mga imbitado at dumalo sa nasabing kasal ay ang mga co-host ni Vhong Navarro sa noontime show na It’s Showtime, kabilang sa mga ito sina Vice Ganda, Anne Curtis at ang asawa nito.

Photo Credit: vhongx44/Instagram

Sa kasalang ito ay muli namang nakita sa publiko si John Lloyd Cruz, na alam ng nakararami na isa sa matalik na kaibigan ni Vhong at dating kasama nito sa isang grupo sa ASAP noon na “Kanto Boys’.

Photo Credit: vhongx44/Instagram

Ang grupong “Kanto Boys” ay kilala bilang isa sa mga grupo ng mga sikat at iniidolong kalalakihan sa showbiz na kinabibilangan nina Vhong Navarro, Billy Crawford, Luis Manzano at John Lloyd Cruz, na kung saan sila ay nagtatanghal sa ASAP at doon nga sila naging mas naging malapit na magkaibigan.

Photo Credit: vhongx44/Instagram

Nabuo ang grupo ng Kanto Boys taong 2009 kung saan sila ay mas lalong iniidolo ng kani-kanilang mga tagahanga, ngunit taong 2015 sa ika-20 anibersaryo ng ASAP ay tuluyan ng nagpa-alam ang grupo dahil ang iba sa kanila ay may kanya-kanya ng career na kinaki abalahan.

Photo Credit: vhongx44/Instagram

Sa naganap na kasalang Vhong at Tanya ay nakuha ang larawan si John Lloyd sa kasal habang ito ay naglalakad patungo sa altar, makikita na ang maaliwalas at gwapong mukha nito dahil nakapagpa gupit na ito.

Photo Credit: vhongx44/Instagram

Ilan din sa mga larawan na makikita sa mga larawan ng kasal ni Vhong ay makikita si John Lloyd na halatang masaya sa naging kasal ng kaibigang si Vhong.
Nagbigay rin umano si John Lloyd ng isang mensahe para sa kanyang kaibigan at sa napangasawa nitong si Tanya.

 

View this post on Instagram

 

John Lloyd Cruz attends the wedding of Vhong and Tanya. 📹 @praybeytbenjamin #TEEnadhanaKayVhong #JohnLloydCruz

A post shared by John Lloyd Cruz (@johnlloydcruztm) on




Muli ngang naging usap-usapan na magbabalik na sa industriya ng showbiz ang aktor na diumano ay nagbakasyon at nawala ng ilang taon sa industriya ng showbiz, ang balitang ito ay mabilis na ikinatuwa ng mga tagahanga ng nasabing aktor.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *