John Lloyd Cruz Magbabalik Showbiz Na At Pelikulang Para Sa Kanyang “Comeback” Nakahanay na

“Yes, It’s time to make a comeback”, bilang na bilang na ang araw at muli na nga nating masisilayan sa ating mga telebisyon si John Lloyd Cruz. Sa halos 1,094-araw na pananahimik at hindi pagiging aktibo ng aktor, ay handang handa na nga itong muli na ipakita ang kanyang husay sa pag-arte.




At ngayon nga, mas kaabang-abang pa ang pagbabalik ni John Lloyd sa telebisyon, dahil sigurado na mas pag-iigihan pa nito ang kanyang trabaho sapagka’t ngayon na siya’y isang ama ay mas binago pa nito ang kanyang sarili lalo na ang pananaw niya sa kanyang buhay.

Image Credit via Google

Samantala, isang bagong advertisement naman ang ginawa ni John Lloyd, na tila bumagay sa naging desisyon niya sa buhay, noong siya ay mamahinga sandal sa showbiz, nanahimik at nagmuni.

Image Credit via Google

“TIME IS WHAT YOU MAKE OF IT”, ito nga ang linyahan sa bagong ad na ginawa ni John Lloyd para sa isang watch brand.

Image Credit via Google

Ang mensahe na ito ng commercial ay talaga namang maganda kahit hindi lang Pampasko.
Ayon naman sa naging ulat ng PEP.Ph, pagkatapos ng advertisement na ito na ginawa noi John Lloyd, ay sasabak na ang aktor sa pagbuo ng kanyang comeback film na Servando Magdamag, na isang short story ni Ricky Lee ngunit ginawang full-length film ng magiging direktor nito na si Lav Diaz.

Image Credit via Google

Maliban pa nga sa comeback film na ito ni JLC, ay nabanggit ni direktor Cathy Molina, na kung walang [email protected]@, ay dapat natapos na niya ang pelikula, na pagsasamahan muli nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz.

Image Credit via Google

May mga usap-usapan naman, na mayroong TV project na gagawin si John Lloyd kasama ang grupo ni Congressman Albee Benitez.

Image Credit via Google

Matagal na ngang pinag-uusapan ang pagbabalik showbiz ni John Lloyd Cruz, dahil talaga namang miss na miss na siya ng kanyang mga tagahanga, at nais ng mga ito na aktibo muli siya sa pagiging isang artista.

Image Credit via Google

Hindi nga lang mga tagahanga ng aktor, ang naghintay ng pagbabalik ni John Lloyd, dahil maging mga kapwa niya artista na nais siyang makasama sa proyekto o pelikula, ay talaga namag hinintay ang kanyang pagbabalik showbiz.




Isa nga sa mga beteranong aktor, na nais makasama sa isang pelikula o proyekto si John Lloyd ay si Philip Salvador, at ito ay kanyang inihayag ng siya’y makapanayam sa naging press preview ng Isa Pang Bahaghari.

Marami nga sa atin ang talagang naghihintay ng pagbabalik ni John Lloyd, dahil batid natin na isa siya sa mga pinakamahuhusay na aktor sa industriya. Sana’y sa paparating na taon na 2021, ay marami tayong mabalitaan na mga bagong proyekto ni John Lloyd.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *