Tuluyan Na Bang Nakapag Move On Si John Lloyd Cruz At Onte Onte Ng Bumabalik Sa Dating Kagwapuhan

Lahat tayo ay dumadaan sa isang malaking pagbabago sa ating buhay. May mga mabuting pagbabago at may mga pagbabagong minsan ay hindi kaaya-aya para sa ating sarili at syempre para sa paningin ng ibang tao. Sa kabila ng lahat ng ito, ang mas importante ay kung saan tayo komportable. Bagama’t isa sa ating mga prinsipyo na huwag makinig sa mga sinasabi ng iba, mainam naman sigurong minsan ay pakinggan natin sila upang makita natin ang mga bagay na maaaring magbago sa atin o maibalik natin sa dati upang maging mas maayos ang ating kasalukuyang anyo.

Photo Credit: John Lloyd Cruz/Facebook




Ilan sa mga hindi inaasahan at nakabi biglang pagbabago na nangyari sa showbiz industry ay ang anyo ni John Lloyd Cruz. Matatandang nitong mga nakaraang mga taon ay nilisan ni Lloydie ang showbiz . Noong una ay hindi naging malinaw ang rason ngunit naging klarado ito ng mga sumunod na buwan matapos pumutok ang balitang magkasama silang dalawa ni Ellen Adarna. Matapos ang ilang buwang pananahimik ay pumutok na naman ang balitang buntis si Ellen at nakompirma rin ito matapos niyang maisilang ang kanyang panganay na anak. Nanirahan si John Lloyd kasama si Ellen sa Cebu City kung saan nabuhay ito ng pribadong buhay.

Photo Credit: John Lloyd Cruz/Facebook

Ilang taon ring nagtiis ang mga netizen sa mga “stolen shots” ni John Lloyd mula sa social media. Base sa mga litrato na kumakalat, mahaba ang buhok, bigote at balbas ng aktor. Nakikita rin siyang namimili sa palengke ng Cebu. Marami ang nalungkot sa istura ng aktor ngunit marami pa rin sa mga kanyang mga taga-hanga ang nanatili upang siya ay suportahan.

Photo Credit: John Lloyd Cruz/Facebook

At nito lamang, umusbong na naman ang balitang babalik na si John Lloyd sa telebisyon. Matapos ang ilang taong pananahimik, lumabas ang aktor sa isang komersyal ng Turks. Bagama’t iba ang itsura, hindi pa rin nawala ang kanyang karisma sa madla.
Ngunit, isang nakakagulat na litrato ang lumabas ngayon sa social media. Ang dating mahabang buhok, bigote, at balbas, ngayon ay ahit na lahat.

Photo Credit: John Lloyd Cruz/Facebook

Malapit na ang aniyo ni John Lloyd ngayon mula sa kaniyang dating anyo bago niya lisanin ang showbiz. Bumuhos naman ang mga positibong komento sa social media mula sa netizens tungkol sa pagbabalik ng itsura ni John Lloyd. Tunay ngang hindi kumukupas ang kanyang karisma.

Photo Credit: John Lloyd Cruz/Facebook




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *