John Lloyd Cruz Tuloy Na Tuloy Na Ang Pagbabalik Matapos Pumirma Ng Kontrata

Tila nga tuloy na tuloy na ang pagbabalik showbiz ngayon ng award-winning actor at Boc Office King na si John Lloyd Cruz, ito ay makalipas nga ng halos apat na taon na naging pamamahinga niya sa pag-arteat paglabas sa telebisyon.




Ayon sa mga naging ulat, kumpirmado nang pumirma na ng kanyang kontrata si John Lloyd sa isang talet agency, at ito nga ay ang Crown Artist Management Inc, ang talent agency ng dancer-actress na si Maja Salvador.

Photo Credit: johnlloydcruztm/Instagram

Samantala, may isang maikling video clip na makikita sa naging post ng CAM sa social media nito, kung saan ay masisilayan ang naging pagbaba ng aktor mula sa isang pribadong jet , pagkatapos ay agad itong sumakay sa kanyang yellow car na talaga namang bonggahan ang ganda.

Photo Credit: johnlloydcruztm/Instagram

Kalakip nga ng video clip na ito ay ang caption na; “We are now happy to share with you the CAMback of one and only John Lloyd Cruz, now under Crown Artist Management (CAM). As long time friend in and out of the industry, Maja and JLC will now be helping each other in this stage of their careers.

Photo Credit: johnlloydcruztm/Instagram

“CAM will now be in charge all all his inquiries after his long hiatus. We are anticipating this, so the time has already come. The JOHN LLOYD CRUS is back!” Base sa caption na ito ng CAM ay talaga namang sigurado at tuloy na tuloy na ang pagbabalik telebisyon at mga pelikula ng isa sa mga hinahangaan at iniidolong aktor na si John Lloyd Cruz.

Photo Credit: johnlloydcruztm/Instagram

Makikita naman sa ilang mga larawan na ibinahagi ng talent management ni Maja ang bakas ng kasiyahan ni JLC, dahil sa muli niyang magiging pagsabak sa pag-arte.
Para naman sa mga loyal fans ni John Lloyd ay talaga namang napakagandang balita nito, lalo na’t excited na silang masilayang muli sa kani-kanilang mga telebisyon ang pelikula o serye na muling gagawin ng aktor.

Photo Credit: johnlloydcruztm/Instagram

Bumuhos naman ang maraming mga positibong mga komento patungkol sa kumpiramado ng pagbabalik showbiz na ito ni John Lloyd, kung saan ay sinabi pa nga ng ilan sa kanyang mga tagahanga na umaasa silang anytime soon ay muli ng bibida si John Lloyd sa iba’t ibang mga proyekto.




Ilang mga fans naman ang nag-request na sana umano ang maging unang proyekto ni JLC sa kanyang pagbabalik na ito, ay reunion movie nila ng mga naging katambal niya noon na sina Bea Alonzo at Sarah Geronimo.

Matatandaan na pansamantalang iniwan ni John Lloy ang mundo ng showbiz noong taong 2017 ng makarelasyon nito ang aktres na si Ellen Adarna, kung saan ay nagkroon pa nga ang dalawa ng isang anak na si Elias Modesto.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *