John Loyd Cruz Nag-post Ng Larawan Kasama Ang Kanyang Anak Na Si Elias Modesto

Ang larawan ay ibinahagi ni Tito Caluag sa kanyang social media account, kung saan makikita na nagpose ang mag-amang John Lloyd at Elias. Ito ay kuha sa Cebu Mactan International Airport na kung saan hindi inaasahan ang pagkikita ng ito nina Tito Caluag at JLC.

Photo Credit: johnlloydcruztm/Instagram




Ayon pa kay Tito, “something big is brewing”. Hindi naman nabanggit kung ang mag-amang JLC at Alias ay kadarating lang din sa Cebu ng mga oras na iyon o sila ay paalis pa lamang sa naturang lugar.

“Coming back from the First Integrated STEM Summit in Cebu, it was a nice to bump into JLC and Elias. Something very good is brewing. Coming Soon.” Ito nga ang naging caption ni Tito Caluag sa kanyang ibinahagi ng larawan sa kanyang Instagram account kung saan kasama niya ang mag-amang John Lloyd at Elias.

Photo Credit: johnlloydcruztm/Instagram

Makikita nga sa larawan ang napakacute na si Elias Modesto, at marami sa mga netizens ang nagsasabi na kamukha nito ang kanyang inang si Ellen Adarna. Noong June 27, 2019, nagdiwang ng ika-1 taong gulang na kaarawan si Elias, kung saan kasama niya ang kanyang daddy na si John Lloyd at mommy na si Ellen Adarna at iba pang miyembro ng kanilang pamilya.

Makalipas naman ang ilang buwan lang matapos ang kaarawan ni Elias, ay napabalita na naghiwalay na sina JLC at Ellen, kung saan ay ibinalita rin na nag file ng Temporary Protection Order (TPO) sa local court ng Cebu ang aktres laban kay John Lloyd.

Photo Credit: johnlloydcruztm/Instagram

Ngunit sa mga lumabas na larawan na ito ni John Lloyd na kasama ang kanyang anak na si Elias, ay patunay lamang ito na hindi pinagbabawalan ni Ellen ang aktor na makasama nito ang anak.




Makikita rin sa facebook page ni John Lloyd ang mga larawan nila ni Elias na kung saan ay halos magkapareho na sila na long hair na mag-ama. Hindi nga naman maitatanggi na sobrang cute ng batang si Elias at marami sa mga netizens at tagahanga nina Ellen at JLC ang nagsasabi na ang bata ay kamukha ng kanyang mommy.“Sobrang cute, kamukhang kamukha ng mommy niya”, isa lamang ito sa mga komento sa larawan na ibinahagi ni JLC na kasama niya si Elias.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *