John Prats Ibinahagi Ang Masayang Bakasyon Sa Batangas Kasama Ang Asawang Si Isabel Oli

Ang pagkakaroon ng “family time” o “family bonding”, ay isa nga naman sa mga magandang paraan, upang ang isang pamilya ay makabuo ng magandang samahan at ugnayan, lalo na pagdating sa pagitan ng mga magulang at kanilang mga anak.



Isa nga ito sa talagang ibinibigay ng aktor na si John Prats sa kanyang pamilya, kung saan ay sinisigurado ng aktor na sa kabila ng pagiging abala niya sa kanyang trabaho, ay hindi pa rin niya makakalimutan ang maglaan ng oras at panahon para makabonding ang kanyang pamilya.
Photo Credit: isabeloliprats/Instagram
Kamakailan nga lamang, ay nagbakasyon ang mag-asawang John Prats at Isabel Oli sa isang resort sa Batangas, kung saan ay kasama rin nila ang kanilang mga anak.
Photo Credit: isabeloliprats/Instagram
Sa kanyang Instagram account nga, ay nagbahagi si John ng mga larawan noong ika-3 ng Oktubre, kung saan ay ipinapakita ng bawat larawan kung gaano kasaya si John, na kasama niya ang kanyang asawang si Isabel at kanilang tatlong anak na sina Lily Feather, Daniel Freedom at ang halos may tatlong buwang gulang pa lamang na si Forest.
Photo Credit: isabeloliprats/Instagram
Kalakip nga ng mga larawan na ibinihagi ni John ay ang caption na, “Family Time Muna.”
Dahil nga sa naging lock-in taping ang ginagawa ngayon ng longest primetime show na “FPJ, Ang Probinsyano”, kung saan kabilang si John sa mga cast, ay matagal-tagal nga ring hindi nakapiling ng aktor ang kanyang mag-ina, kaya talagang miss na miss niya ang mga ito.
Photo Credit: isabeloliprats/Instagram
Matatandaan nga na noong ika-17 ng Hulyo ng isinilang ni Isabel, ang kanyang pangalawang anak na si Forest ay wala si John sa kanyang tabi, kaya naman, talagang sinusulit at ine-enjoy ni John ang pagkakataon na maka-bonding ang kanyang pamilya, lalo na ang kanyang mga anak.
Photo Credit: isabeloliprats/Instagram
Makikita naman sa Instagram ng dating aktres at ngayon ay full-time mommy na si Isabel Oli, ang naging pagbabahagi niya ng isang larawan nilang mag-asawa, kung saan ipinapakita nito na hindi pa rin kumukupas ang ‘sweetness’ nilang dalawa sa isa’t isa.
Photo Credit: isabeloliprats/Instagram
Ang larawan nang ito ay nilakipan ni Isabel ng caption na;
“You, me and the sea  #WeAreThePratties#PrattyTV”
Sa hiwalay na post naman ay nagbahagi si Isabel ng larawan ng kanilang Unico hijo na si Freedom, kung saan ay makikita na enjoy ito sa pagkain ng kanyang paboritong peanut butter.
Photo Credit: isabeloliprats/Instagram
“Oh my @freedomprats The bread with peanut butter was gone in seconds! This boy never fails to make me laugh”, ang naging caption nga ni Isabel sa larawan ni Freedom.
Samantala, maliban nga sa pagiging isang hands-on mommy ngayon ni Isabel sa kanyang tatlong anak ng asawang si John Prats, ay abala rin ito sa paggawa ng mga YouTube videos, na ibinahagi niya sa kanilang YouTube channel na “Pratty TV.”
Photo Credit: isabeloliprats/Instagram
Matatandaan naman na si John Prats at Isabel Oli ay ikinasal noong ika-16 ng Mayo, 2015, kaya ngayon ay nasa limang taon na rin ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa.



Dumating na naman ang unang anghel ng mag-asawa na si Lily Feather, isang taon matapos ang naging pagpapakasal nina John at Isabel, dahil ito ay isinilang noong April 2016. Dalawang taon na naman ang lumipas ang muling pagsilang si Isabel, at ito nga ay ang pagdating na ng kanilang Unico Hijo na si Daniel Freedom.
Ngayon nga ay tatlo na ang anak ng mag-asawa, dahil kamakailan lamang ay isinilang ni Isabel ang pangatlo nilang anak na si Forest, isang baby girl.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *