John Prats Masayang Nagdiwang Ng Kanyang Ika-37th Kaarawan Kasabay Na Rin Ng Dedication Ni Baby Forest

Sa naging pagdiriwang ng araw ng mga puso (Valentine’s Day) nito lamang ika-14 ng Pebrero taong 2021, ay dalawang selebrasyon din ng pamilya ng mag-asawang John Prats at Isabel Oli ang kanilang ipinagdiriwang.




Nang parehong araw din kasi ng mga puso, ay nagdiwang rin ng kanyang ika-32 taong kaarawan ng Kapamilya actor na si John Prats, kasabay pa nga nito ang dedication ng kanilang bunsong anak ni Isabel, na si baby Forest.

Photo Credit: johnprats/Instagram

Ipinasilip ng celebrity couple sa kanilang Instagram ang masayang kaganapan sa dobleng pagdiriwang nga na ito ng pamilya, kung saan ang nasabing ‘party’ ay ginanap sa may garahe ng bahay ng pamilya na inaabuso lamang at pinuno ng magagandang dekorasyon.

Photo Credit: johnprats/Instagram

“Last Sunday was definitely a milestone for us, the Praties, since we’re used to big gatherings when it comes to major celebrations. We held a simple birthday gathering for my hubby @johnprats, and we dedicated our youngest, @forestprats, to the Lord.”

Photo Credit: johnprats/Instagram

Dagdag pa ni Isabel, sa parehong petsa noong nakaraang taon, ay dalawang selebrasyon din ang kanilang ipinagdiriwang, dahil kasabay ng kaarawan din noon ng asawa niyang si John, ay ginanap rin ang isang gender reveal party, na dinaluhan rin ng kanilang mga kapamilya at malalapit na kaibigan.

Photo Credit: johnprats/Instagram

“Around this time last year, we also celebrated my husband’s birthday and gender reveal at the same time with our other loved ones and friends. This time though it’s just us. A bit quieter but still grateful that we get to celebrate together as a family.”

Photo Credit: johnprats/Instagram

Nagpasalamat rin si Isabel sa pamilya nila, pareho ng kanyang asawa (Prats at Quiambao), sa ipinakita at ipinaramdam ng mga ito na suporta sa kanila, sa simple ngunit masayang selebrasyon na kanilang ipinagdiriwang.

Photo Credit: johnprats/Instagram

Sa kabilang banda naman, makikita ang naging pagbabago ng aktor na si John Prats ng larawan sa kanyang Instagram, kung saan ay kasama niya si baby Forest at ito nga ay may kalakip na caption na;

Photo Credit: johnprats/Instagram

“Welcome to the Kingdom and family of God, little one. Angels are rejoicing today at your Christening and so are we. Many blessings as you grow in the Lord. May His love never leave you. We love you so much @forestprats [red heart emoji].

Photo Credit: johnprats/Instagram




Matatandaan na taong 2015 ng ikasal ang mag-asawang John Prats at Isabel Oli, at sa loob nga ng limang taon nilang pagsasamang mag-asawa ay nabiyayaan na sila ng tatlong anak, na sina Feather, Freedom at Forest.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *