John Wayne Sace Tunghayan Kung Paano Niya Muling Isina-Ayos Ang Kanyang Buhay

Naaalala niyo pa ba ang dating teen actor at kabilang sa mga teen heartthrob na si John Wayne Sace? Malayong malayo na pala ang takbo ng pamumuhay niya ngayon, kumpara noong siya ay nasa industriya pa ng showbiz.

Photo Credit: johnwaynesace/Instagram




Alam naman nating lahat na ang buhay ng isang celebrity ay isang bukas na libro para sa publiko, lahat ng galaw mo ay hindi mawawalan ng mga matang nakatingin sayo. Kaya naman karamihan sa mga sikat na celebrity ay maingat sa bawat hakbang na kanilang ginagawa sa kani-kanilang mga buhay upang hindi ito makasira sa popularidad at kasikatan na mayroon sila ngayon.

Photo Credit: johnwaynesace/Instagram

Si John Wayne Sace ay isa sa mga sikat na child star noon, na naging bahagi ng dating grupo sa ASAP na “Anime” isang male-group dance na kinabibilangan nina Rayver Cruz, Rodjun Cruz, Oliver Mhyco Aquino, Sergio Garcia, Emman Abeleda ay Mico Aytona.

Una siyang lumabas sa telebisyon upang ipakita ang galing niya sa pag-arte noong 2003 sa pelikulang “Home Along the Airport.”

Photo Credit: johnwaynesace/Instagram

Napabilang din siya sa isang malaking pelikula noong 2002 na “Dekada 70”, kung saan ay nakatanggap siya ng parangal na Best Child Performer sa Metro Manila Film Festival.
Matatandaan na huling napanood si John Wayne, sa naging serye noon ng ABS-CBN na “Forevermore” na pinagbibidahan ng sikat na loveteam na sina Enrique Gil at Liza Soberano.

Photo Credit: johnwaynesace/Instagram

Ngunit dahil sa mga personal na issue sa kanyang buhay ay unti-unting nawala ang kasikatan sa showbiz ni John Wayne. Matapos niya din lisanin ang showbiz, ay nagkaroon ng asawa ang anak ang nasabing binata ngunit nauwi din ito sa hiwalayan.

Photo Credit: johnwaynesace/Instagram

Sa isang naging panayam kay John Wayne sa “Rated K”, ng host na si Korina Sanchez ay ibinahagi ng dating teen actor ang mga hirap na kanyang pinagdaanan lalo na ng siya ay malulong sa droga o ipinagbabawal na gamot.

Photo Credit: johnwaynesace/Instagram

Ayon kay John Wayne ay napabilang ang kanyang pangalan noon sa watch list ng PNP Oplan Tokhang. Ngayon sa kanyang edad na 28-taong gulang, ay unti-untinng inaayos ng dating teen actor ang kanyang buhay.

May sarili na rin siyang pamilya ngayon. At bilang padre-de-pamilya ay ginagawa ng aktor ang lahat ng kanyang makakaya upang buhayin ang kanyang pamilya.




Ilan nga sa mga naging trabaho ni John Wayne ag ang maging cake delivery boy, internet cafe attendant, construction worker at iba-iba pa. Kung ano-anong kalseng trabaho nga ang ginagawa ng binata upang matustusan ang pangangailangan ng kanyang pamilya.

Gayunpaman, ay nais iparating ni John Wayne sa mga tao ang kanyang lubos na kasiyahan dahil sa pagkakaroon niya ng pagkakataon na ayusin muli ang kanyang buhay at tuluyan ng iwanan ang naging bisyo niya noon na pagdodroga. May pag-asa pa kayang makabalik sa industriya ng showbiz si John Wayne?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *