Jolina Magdangal Naging Emosyonal Ng Malaman Ang Naging Sakripisyo Ng Kanyang Driver Para Sa Kanya

Sa mga artista ay normal ba ang mayroon siyang personal assistant, maid, yaya at driver na naging katuwang nila sa mga pangangailangan nila upang mapabilis ang kanilang gawain sa loob ng isang araw.



At batid naman natin na malaki ang naging ambag at tulong ng ating mga kasambahay pagdating sa mga pang araw-araw na gawain natin sa ating mga buhay. Ngunit sa panahon ngayon, ay talaga namang napakahirap ng makakita ng kasambahay o driver na talagang maaasahan at mapagkakatiwalaan.
Image Credit via YouTube
Samantala, isa mga maswerteng artista na nakatagpo ng driver na talaga namang maaasahan niya sa lahat ng bahay, ay ang host-actress na si Jolina Magdangal.
Image Credit via YouTube
Sa isang espesyal na episode ng morning talk show na “Magandang Buhay”, ay naging isa sa mga guest ang long time driver ni Jolina Magdangal na kung tawagin niya ay si Tatay Orly Sebolino. At sa pakikipag-chickahan ng mga momshie natin kay Tatay Orly ay hindi napigilan ni momshie Jolina ang mapaluha at maging emosyonal.
Image Credit via YouTube
Kasama ni Tatay Orly sa naging panayam sa kanya sa Magandang Buhay ay ang kanyang asawa at mga anak. Kaya naman nagkaroon din ng pagkakataon ang Misis ni Tatay Orly na magkwento ng tungkol sa buhay bilang pamilya, habang malayo sila sa piling ng haligi ng kanilang tahanan.
Image Credit via YouTube
Kwento ng Misis ni Tatay Orly ay may mga pagkakataon daw umano na mas naging prioridad pa ng kayang asawa (tatay Orly) na manatili na lamang sa amo nito (Jolina Magdangal) upang pagsilbihan ito, kaysa ang umuwi sa kanilang probinsya sa Cebu para makasama sila.
Image Credit via YouTube
Hindi naman napigilan ng Tv host-actress na si Momshie Jolina ang mapaluha ng marinig ang kwento na ito ng misis ni Tatay Orly, dahil sa sakripisyo ng ginawa ng kanyang driver na malayo sa pamilya nito upang manatili lamang na pagsilbihan sila.
Image Credit via YouTube
“Kasi naka-ilang kasambahay na ako, hindi ko talaga maibigay ang tiwala ko, yung kakayahan kong intidihin.” “Pero si Orly, nagpa-iba-iba na kami ng kasambahay niya, alam niya kung ano ang pakiramdam ko, alam niya kung paano ako timplahin. Kaya minsan, pag may bago kaming kasambahay, siya na nag train.
Image Credit via YouTube
“Natutuwa ako sa sinabi mo ngayon ko lang narinig yan, na may ganyang rason pala siya.”
Ikinatuwa naman ni Momshie Jolina na malaman, kung gaano sila pinapahalagahan ni Tatay Orly.
Image Credit via YouTube
Ayon naman kay Momshie Jolina ay hindi na iba ang trato niya kay Tatay Orly ito ay dahil sa tagal ng paninilbihan nito sa kanila bilang isang driver ay talaga namang itinuturing na nila itong kapamilya.
Ibinahagi naman Tatay Orly ang mga bagay na naitulong sa kanya ni Momshie Jolina at ng pamilya nito. At isa nga sa kanyang ipi nagpapasalamat talaga kay Jolina ay ang naging tulong nito sa kanya upang maipagawa ang bahay na mayroon sila ngayon sa Cebu.
At upang pasasalamat ni Momshie Jolina sa paninilbihan sa kanila ni Tatay Orly ay nagdesisyon ito na sagutin na lahat ng family expenses ng pamilya sa magiging pag-uwi ng mga ito sa Cebu. Hindi nga lamang pamasahe ang sasagutin ni Momshie Jolina, dahil bibigyan niya rin umano ang mga ito ng pocket money.
Nagbigay kasiyahan din para kay Tatay Orly ng sabihin ni Moshie Jolina na papayagan siya nito na muling makauwi at bumisita sa kanilang tahanan sa Cebu kung saan ayon nga kay Joline ay sasagutin niya din ang magiging gastos nito, at kahit pa nasa bakasyon ito ay bibigyan pa rin niya ito ng sweldo.



Bago naman matapos ang panayam kay Tatay Orly ay nagbigay si Momshie Jolina ng kanyang appreciation message para rito at sa pamilya nito.
“Ito ay pagbibigay halaga para sa pagbibigay mo sa akin ng halaga. Ibinabalik ko lang ang loyalty mo sa akin, at asahan moa ng pamilya mo.”
https://www.youtube.com/watch?v=_BkPUk8FqZ4&feature=emb_logo
“Promise ito, Orly kahit anong mangyari, pamilya mo, pamilya ko…..isang pamilya tayo.”
“Salamat sa lahat ng pagmamahal at tulong mo sa akin.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *