Jolina Magdangal Nilanaw Ang Dahilan Kung Bakit Hindi Natuloy Ang Comeback Movie Nila Ni Marvin Agustin

Isa mga tambalang kinakikiligan noong dekada 90 ay ang tambalan nina Jolina Magdangal at Marvin Agustin na talaga namang minahal ng mga manonood lalo na ng mga kabataan noon. Ilan sa mga pelikula na pinagsamahan ng dalawa at tumatak sa puso ng mga tao ay ang “Hey Babe!” at “Labs Kita…..Ok Ka Lang?”

Photo Credit: marvinagustin/Instagram




Ang mga pelikulang kanilang pinagsamahan ay talaga nga namang nagpakilig sa mga kabataan noon at nagbigay sa kanila ng iba’t ibang ideya ng pagmamahal. Marami rin sa atin ang hanggang ngayon siguro ay hindi pa nalilimutan ang mga linya na binitawan ng dalawang magka love team na ito sa mga pelikula nilang talagang sumikat at sinubaybayan ng mga manonood.

Photo Credit: marvinagustin/Instagram

Ang huling pelikula na pinag tambalan nina Jolina at Marvin ay ang “Hey Babe” na under ng Star Cinema noon pang taong 1999, kaya naman talagang napakatagal na ng huling magtamabal at magsama ang dalawa sa isang pelikula.

Photo Credit: marvinagustin/Instagram

Makalipas nga ang ilang taon ay muli sanang magkaroon ng Comeback Movie sina Jolina at Marvin na dapat ay ipalalabas noong nakaraang taon 2019 na talagang ikinatuwa ng kanilang mga tagahanga ng ibalita ito. Ngunit sa kabila ng pagkatuwa at pananabik na muling masilayan ang dalawa na magkasama sa isang on screen movie ay na balita na hindi na matutuloy ang nasabing comeback movie nina Marvin at Jolina.

Photo Credit: marvinagustin/Instagram

Sa balitang ito ay nilinaw naman ni Jolina kung ano ang dahilan sa hindi pagtulog ng kanyang pagbabalik tambalan sa pelikula ng kanyang dating ka loveteam na si Marvin. Sa isang naging biglaang panayam sa host/actress ay sinabi niya na hindi raw umabot ang script na para sa pelikulang dapat ay pagsasamahan nila ni Marvin.

Photo Credit: marvinagustin/Instagram

Naroon ang panghihinayang ni Jolina dahil excited sana siyang muli na makatrabaho ang aktor ngunit sinabi din niya na ayaw niyang ipilit ang isang bagay na hindi pa siguro napapanahon.

Photo Credit: marvinagustin/Instagram




Ayon rin kay Jolina ay naiintindihan niya ang naging paliwanag ni Marvin kung bakit hindi na natuloy ang pelikula at hindi na rin naman daw niya eentertain ang panghihinayang. Sinabi din ng hots/actress na dapat talaga sa mga ganitong comeback movie ay pinag-iisipan at pinaghahandaan talaga dahil baka raw imbis na maenjoy nila ang pagbabalik telebisyon at tambalan ay mapressure pa sila sa paggawa ng pelikula.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *