Jolina Magdangal Pansamantalang Inayos Ang Kanyang Bahay Na Parang Broadcast Studio

Dahil sa lumalaganap na karamdaman ngayon dito sa ating bansa at maging sa ibang panig ng mundo, ay halos marami sa mga gawain at trabaho natin ang nahinto.

Photo Credit: mariajolina_ig/Instagram




Halos lahat tayo ay nakakaranas ngayon ng home quarantine at limitado ang paglabas natin sa ating mga tahanan upang makaiwas sa sakit na kumakalat ngayon kaya maging ang mga live tv show sa mga Tv networks ay nahinto rin.

Photo Credit: mariajolina_ig/Instagram

Kabilang sa mga tumigil sa pag live show ay ang mga palabas na pinapanood natin sa telebisyon na isa sa mga pinagkukunan natin ng aliw at kasiyahan sa tuwing may mga dagok at problema tayong kinakaharap.

Photo Credit: mariajolina_ig/Instagram

Upang proteksyunan ang mga mamamayan, mga artista at mga manonood sa banta ng kumakalat na karamdamang Covid-19 kahit pa nga ba natigil ang mga Live Tv show sa mga studio ay nakaisip naman ng paraan ang lahat ng mga television networks kung paano panatilihin ang kanilang pag-entertain at pagpapasya sa mga tao kahit pa nga ba nanatili tayong naka Home Quarantine sa ating mga tahanan ngayon.

Photo Credit: mariajolina_ig/Instagram

Ang “Magandang Buhay” show ng ABs-CBN na ang mga host ay ang tatlong magagandang momshie na sina Karla Estrada, Melai Cantiveros at Jolina Magdangal, ay ginawa ang paraan na makapag live show kahit nasa kani-kanilang tahanan ang mga ito sa pamamagitan ng video conferencing program na Zoom.

At dahil dito ay ginawang pansamantalang malinis at medyo malawak na brodcast studio ni Momshie Jolina ang isang bahagi ng kanilang tahanan. Ang asawa naman ni Momshie Jolina na si Mark Escueta ay nagbahagi sa kanyang Instagram na ang kanilang tahanan ay naging isang studio.

“Ang  naging studio-E at ako ang naging technician” saad nito. Ilan sa mga kagamitan ng celebrity momshie sa kanilang family Youtube channel na tulad ng DSLR camera, lights at laptop na ginagamit nila sa vlogging ay ginamit rin nila ngayon sa pag communicate at pagbibigay kasiyahan live sa mga manonood kahit pa nga nasa bahay lang sila.




Ginawa ring mini cooking studio ni Jolina ang kanilang kitchen, at sa kanyang instagram ay patuloy siyang nagbabahagi ng mga masasarap na recipe na maaaring makatulong sa mga momshie na mahilig magluto para sa kanilang pamilya lalo na para sa kanilang mga anak.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *