Jolo Revilla At Nobyang Si Angelica Alita Ikinasal Na Sa California

Ang anak ni Bong Revilla na si Jolo Revilla ay ikinasal na sa kasintahan nitong isang beauty queen. Noong December 15 sa Pelican Hill, Newport Beach, California ay ginanap ang pag-iisang dibdib ni Jolo Revilla at kanyang beauty queen girlfriend na si Angelica Alita. Isang pastor ang nagkasal sa dalawa at isa si Davao Mayor Sara Duterte sa mga principal sponsor ng ikinakasal.

Photo Credit: jolo_revilla/Instagram




Hindi naman nawala sa nasabing kasalan ang mga magulang ni Jolo na si Bong Revilla at Lani Mercado na parehas na naroon upang tunghayan ang isang napakahalagang araw sa buhay ng kanilang anak. Ang anak naman ni Jolo na si Gab, anak niya sa dati niyang kasintahan na si Grace Adriano, ay naroon din sa kasalan.

Photo Credit: jolo_revilla/Instagram

Sa facebook account ni Senator Bong Revilla ay nagbahagi siya ng ilang live video na kaganapan sa kasalang Jolo at Angelica. Isa na sa mga video na ibinahagi ay ang pagpapalitan ng mensahe ng pagmamahal ng dalawang ikinakasal.

Photo Credit: jolo_revilla/Instagram

Isang nakapasweet na Mensahe ng pagmamahal ang sinabi ni Jolo kay Angelica sa harap ng altar. Narito ang mensahe ni Jolo para sa kanyang si Angelica.

Photo Credit: jolo_revilla/Instagram

“Because of you and what you do, you made me a good man. Thank you for loving me. You made me realize that I don’t need to become someone else and pretend to be someone else. Tanggap mo kung sino ako at kung ano ako.

Photo Credit: jolo_revilla/Instagram

Not all angels are in heaven, mine is here on Earth standing in front of me…. Bastat kasama kita, saan man tayo pumunta, pakiramdam ko lagi akong nasa langit….. Finally God has given me the ultimate gift of finding my own personal angel”

Photo Credit: jolo_revilla/Instagram

“You are the one that I desire. Ikaw na ang matagal kong hinihintay. Pauli-uit kong ipinapangako sayo, ikaw ang magiging sentro ng buhay ko sa mata ng Panginoon. It’s all because of you found peace and happiness. You give direction to my life. You’re always there to guide me and inspire me. You bright out the best in me.”

Photo Credit: jolo_revilla/Instagram

Ayon pa din kay Jolo, si Angelica Alita ang babaeng sigurado siya na pakamamahalin niya habang-buhay na hindi niya inaasahan ang pagdating ng araw na ikakasal siya dahil akala niya noon ay wala ng babaeng nagbibigay sa kanya ng pagmamahal na hinahangad niya. Ngunit ngayon ay lubos ang kanang kasiyahan dahil sa kabutihan ng Diyos ay ipinagkaloob sa kanya ang isang babaeng mamahalin siya at pakakamalin siya.

Photo Credit: jolo_revilla/Instagram

Isang emotional na mensahe rin ang inilaan ni Angelica para kay Jolo.
“Today, I vow to know myself. I promise to dream with you ang be your biggest supporter, to encourage and stand by you from this day forward. Jolo, hindi ka na iiyak mag-isa. Kasama mo akong babangon at nagpupunas ng iyong mga luha.

At higit sa lahat, salamat sa panginoon for directing you to me, because now i finally found my heaven on Earth with you and Gab by my side. Mahal na mahal ko kayo. Mahal na mahal kita. I love you” saad ni Angelica.




Hindi nga naman mapapantayan ang labis na kasiyahan sa dalawang taong nanumpa ng pagmamahal sa isa’t isa. At para kana Jolo at Angelica silang dalawa ay inilaan ng ating Panginoon upang mahalin, maging sandalan, maging lakas ng isa’t-isa. Best wishes sa Jolo at Angelica!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *