Jose Manalo May Payo Para Sa Anak Na Si Benj Sa Naging Pagpapakasal Nito

Kamakailan lamang ay ikinasal na ang anak ng Eat Bulaga ‘Dabarkads’ Jose Manalo, na si Benj Manalo sa kasintahan nitong si Lovely Abella. Ang nasabing pag-iisang dibdib ng dalawa ay ginanap noong ika-23 ng Enero, sa isang events place sa Quezon City, kung saan iilang mga kapamilya at kaibigan lamang ng dalawa ang naging mga panauhin.




At para nga sa kanyang bagong kasal na anak, ay nagbigay ng tips o payo ang host ng ‘Catch Me Out Philippines’ kay Benj.

Photo Credit: benj/Instagram

Sa naganap na virtual mediacon ng ‘Catch Me Out Philippines’ ay inlahad ni TC hosy-comedian Jose Manalo na siya ay tinawagan ng kanyang anak na si Benj bago pa man ito ikasal para hingin ang kanyang basbas sa pagpapakasal nila ng kasintahan nitong isang Kapuso comedienne.

Photo Credit: benj/Instagram

“Before pa siya ikasal, tumawag siya sa akin at sinabing magpapakasal na siya para humingi ng basbas. “Sabi ko sa kanya, ‘Benj, at your age siguro alam mo na ‘yan. Sa dami na rin ng pinalamon ko sayong pangaral”, ang naging pahayag ni Jose.

Photo Credit: benj/Instagram

Ayon pa kay Jose, sa kabila ng hindi niya magawang pangaralan ang kanyang sarili ay sinisigurado naman niya na puno ng pangaral ang kanyang mga anak.

Photo Credit: benj/Instagram

Dagdag pa ng Kapuso host-comedian, na ng humingi ng payo ang kanyang anak, ay sinabi niya rito na kaya niya pumasok sa buhay niya ngayon, ay dahil sa alam niya na kung ano ‘yung desisyon niya. Sinabi rin ni Jose, na si Benj ay ang tipo ng tao, na may gustong patunayan sa kanyang sarili, na kaya niya, at ito ay nirerespeto niya bilang ama nito.

Photo Credit: benj/Instagram

Ang matinding payo lang umano ni Jose para sa bagong kasal na anak at sa asawa na nitong si Lovely, ay ang panindigan ni Benj ang pagiging isang haligi ng tahanan at wag nilang bitawan ang binuo nilang pamilya sa kabila ng maraming pagsubok na kanilang pagdaraanan pa.

Photo Credit: benj/Instagram

“Never na never kang gi-give up kung wala namang masamang dahilan.
“Kung masasalba mo ang asawa mo at pamilya mo, kailangan ituloy-tuloy mo ‘yan. Sa tingin ko mas masarap magmahal kaysa mahalin. Mas masarap mag-serve kaysa pagsilbihan ka”, ang naging pahayag pa ni Jose.

Photo Credit: benj/Instagram

Ipinagdaral nga umano ni Jose na mahing mahaba ang pasensya ng mag-asawa sa lahat ng pagsubok na pagdaraanan nila. At sinabi rin nito na okay si Lovely sa kanya bilang asawa ng anak niya, dahil nakatrabaho niya na ito, at nakita niya ang pagiging isang totoo nitong tao.

Image Credit via Google

Tinapos naman ni Jose ang kanyang saloobin para sa pagpapakasal ng anak na si Benj sa paglalahad kung gaano niya kamahal ang mga ito, at hiling niya para rito ang masayang buhay may-asawa ng bagong kasal.




“So goodluck sa inyong dalawa at more blessings. At sa career nila at kung ano man ang tinatahak nila. At siyempre love na love ko sila. Love na love sila ni daddy”, ang naging sey ng komedyante.

Excited ring inihayag ni Jose, na nalalapit ng magsimulaang pinakabagong game-reality show ng GMA-7 na ‘Catch me Out Philippines’, at dito ay makakasama niya bilang mga co-host sina Kakai Bautista at Derrick Monasterio.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *