Joshua Garcia Nagbigay Sulyap Sa Bahay Na Pinagawa Para Sa kanyang Pamilya

Isa sa mga pinapangarap ng marami sa atin ay ang nakapag pundar ar magkaroon ng ating sariling tahanan, kung kaya naman ay talagang doble kayod at pagsisikap sa trabaho ang ginagawa ng ilan sa atin upang sa madaling panahon ay mabigyang katuparan na ang pangarap na nakapag pundar ng sariling tahanan para sa pamilya.




Iba nga naman ang dulot na kasiyahan kapag nakikita mong ang iyong naging pagsusumikap at tiyaga sa trabaho ay unti unti mo ng nabibigyang katuparan ang iyong pangarap na tahanan.

Photo credit: tropangjoshuagofc/Instagram

Tulad na nga lamang ng aktor na si Joshua Garcia, na walang mapagsidlan ang nadaramang kasiyahan dahil nabigyan na niyang katuparan ang pangarap niyang tahanan para sa kanyang pamilya.

Photo credit: tropangjoshuagofc/Instagram

Kamakailan nga lamang, ay masayang ibinahagi ng aktor sa kanyang Instagram ang larawan ng isang napakalaki at napakagandang bahay. At base nga sa larawan, ito ay isang 3-storey house na matatagpuan sa Quezon City.

Photo credit: tropangjoshuagofc/Instagram

Ayon kay Joshua ang tahanan na ito na kanyang ipinundar na siyang bunga ng kanyang naging pagsisikap sa trabaho bilang isang artista, ang siya ngang magiging handog niya sa kanyang ama.

Photo credit: tropangjoshuagofc/Instagram

Kalakip nga ng larawan ng naturang bahay, ay ang naging caption ng aktor na;
“Ngayon, wala ng masyadong ginagawa, kasi last time, nilalagyan ng parang mga bubong , tapos ginagawa pa mga table, mga cabinet, ‘yung mga kulang. Ngayon, wala na masyadong ginagawa. Gift ko ‘yun sa papa ko”, saad ni Joshua.

Photo credit: tropangjoshuagofc/Instagram

May mga ilan naman na nagtanong kung magkano ang nagastos ni Joshua sa naturang bahay, at kung paano niya ito nabayaran ng paunti-unti. Hindi naman nagbigay ng anumang detalye, ang aktor na tungkol dito.

Photo credit: tropangjoshuagofc/Instagram

Ngunit ayon nga sa mga naging ulat, ay nabayaran umano agad ng aktor ang naturang bahay, dahil sa 3 endorsement na kanyang naging project.

Samantala, ibinahagi rin ni Joshua, na ngayon na natupad na niya ang pangarap niyang tahanan para sa kanyang pamilya, ay isusunod naman niyang tuparin at bigyan ng kulay ay ang kanyang pangarap na magkaroon ng kanyang sariling bahay at lupa.

Ayon nga sa aktor, ay sisimulan na niyang mag-ipon para sa kanyang ‘dream house’.
“Next na ‘yung dream house ko. Hindi ko pa alam kung saan ko itatayo pero sa ngayon, nasa ipon part pa ako, ang plano ko, this year. ‘Pag naka-ipon na ‘ko, bago mag end ng year, nakabili na ko ng bagong lupa”, ani pa ni Joshua.




Makikita pa nga sa ibang mga larawan ng aktor na nagpa-house blessing na siya sa tahanan na kanyang isinagawa para sa kanyang pamilya. Ang naturang house blessing ay dinaluhan ng ilang kapamilya at kaibigan ni Joshua.

Labis labis nga ang kasiyahan na nadarama ni Joshua, dahil alam niya na napasaya niya ang kanyang pamilya ngayon na mayroon na silang bago at napakagandang tahanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *