Judy Ann Santos Agoncillo Inamin Na Super Crush Noon Si Francis Magalona

Bahagi na ng buhay ng kabataan natin ang humanga tayo o magka-crush sa isang tao na labis nating kinikilingan. At syempre maging ang ating mga hinahangaan at iniidolong celebrity ay mga naging crush din noong kanyang kabataan.




Isa sa mga hinahangaang aktres at TV host ng Kapamilya network ay si Judy Ann Santos – Agoncillo, ngunit alam niyo ba kung sino ang naging super crush niya noong kabataan niya?

Photo Credit:officialjuday/Instagram

Sa latest vlog ng celebrity doctor na si Aivee Teo ay inamin ni Juday na ang yumaong actor-TV host at singer-songwriter na si Francis Magalona ang talagang hinahangaan at crush na crush niya noon.

Photo Credit:officialjuday/Instagram

Chika nga ni Juday kay Doc Aivee sa latest vlog nito na “biggest showbiz crush” niya ang yumao ng Master Rapper.

Photo Credit:officialjuday/Instagram

“Oo. Patay na patay ako sa kanya. Kilig na kilig talaga ako sa kanya”, ang naging simula ng ang pahayag ni Juday.

Photo Credit:officialjuday/Instagram

Kwento pa nga ng award-winning actress at Soap Opera Queen, alam ng kanyang mister na si Ryan Agoncillo na crush na crush niya si Francis Magalona, kahit nga noong sila’y magkasintahan na.

Ibinahagi naman ni Juday kung bakit si Francis M ang crush na crush niya.
“Ang bait-bait kasi talaga ng taong ‘yun. Tsaka kilig na kilig talaga ako sa kanya tuwing nakikita ko siya. Iba ang datingan niya”, ani pa ni Juday.

Si Francis Magalona ay pumanaw sa edad na 44-taong gulang dahil sa sakit na leukemia noong buwan ng Marso taong 2009, isang buwan bago ikinasal sina Judy Ann at Ryan.

Samantala, maliban nga kay Francis M. ay naging crush din umano ni Juday ang isa ring matinee idol noon na sumikat sa iconic movie na “Bagets” noong dekada 80, at ito nga ay si JC Bonnin.




Nang mainggit naman ang pangalan ni Aga Muhlach na isa rin nga sa mga naging bida ng Bagets, ay sinabi ni Juday na hang out buddies niya ang aktor.

Tungkol naman sa kanyang first boyfriend at dating ka-loveteam na si Wowie De Guzman, ay hindi naman diretsahang sinagot ng aktres kung ilang taon talaga silang nagkaroon nito ng relasyon, dahil nga sa mga bata pa sila noon ay on and off nga ang relasyon nila ng dating aktor.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *