Judy Ann Santos Gaganap Bilang Mother Lily Monteverde Sa Isang Biopic Movie

Judy Ann Santos-Agoncillo o mas kilala natin bilang si Juday, isa sa mga actress na tumatak na ang pangalan sa ating puso’t isipan dahil sa mga proyektong kanyang ginawa na talagang nakita ang kanyang galing sa pag-arte. Ilan sa kanyang mga pelikulang hindi makakalimutan ay ang “Esperanza” at “Mara Clara”.

Image Credit via Google




Ngunit kahit na matagal na sa industriya ng showbiz at kilala na bilang isa sa mga magagaling at batikang aktres ay hindi itinanggi ni Juday na napepressure siya sa bagong pelikula na kanyang gagawin.

Image Credit via Google

Ayon sa aktres ito ang unang pagkakataon na gumawa siya ng Biographical Film na kung saan siya ay gaganap bilang Regal Film Producer na si Lily Monteverde o mas kilala ng lahat sa industriya bilang si Mother Lily. Sinabi rin ni Juday na ang Biopic na ito ang unang pelikula na gagawin niya sa bagong taong darating, 2020.

Image Credit via Google

“Yun yung nakaplano sa akin for next year. Focus on one movie at a time simple because ang unang pelikulang gagawin ko for 2020 is a biopic of the Mother Lily.

“So kailangan ko talaga siya aralin. Kasi, my God, si Mother Lily yun. Haligi siya ng buong industriya natin. Hindi ko siya pwede barubalin ‘ang character na yun.” Ang pahayag ng aktres sa naganap na press conference ng pelikula niyang “Mindanao”.

Image Credit via Google

Ikinuwento din ni Juday na ang kanyang tagumpay sa kanyang career ay utang na loob niya kay Mother Lily, dahil ito ang nagproduce ng kanyang mga naging box office hit na pelikulang “Maria Clara” na kasama niya si Gladys Reyes at ang “Sana Naman”.

Image Credit via Google

Aminado din si Juday na hindi niya alam kung ano ang nakita sa kanya ni Mother Lily para siya ang piliin nito na gumanap bilang ito sa biopic na gagawin. Ngunit ayon rin sa kanya ay hindi niya maaaring tanggihan ang proyektong ito dahil malaki ang dapat niyang ipasalamat kay Mother Lily at dahil mahal niya ito.

Image Credit via Google

Ayon pa din sa aktres ay isa ito sa magiging challenging sa mga pelikulang gagawin niya, dahil alam niya na marami ang magiging judgmental dahil isa itong biopic at unang pagkakataon na gumawa siya ng ganito.

Hindi lang iyon ang challenge dahil kilala ng lahat si Mother Lily, kuna paano ito tumawa, maglakad, magalit, maging masaya, paano siya mabadtrip at mambato dapat ang mga yan ay talagang mapag aralan niya upang magawa ng maayos ang nasabing Biographical Film.

Pero tiwala naman si Juday sa mga taong mag gaguide sa kanya para maging matagumpay ang nasabing proyekto, na sila derik Erik Matti at Mother Lily. Ngunit bago naman maging busy para sa sisimulang proyekto sa bagong taon, ay gusto naman ni Juday na ang paparating na holiday ay ibigay ang kanyang oras sa kanyang asawa at lalong lalo na sa kanyang mga anak.




Ayon naman kay Direk Erik, ang direktor ng biopic na gagawin ni Judy Ann, ang shooting ng nasabing pelikula ay sisimulan na pagpasok ng Enero 2020.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *