Judy Ann Santos Ibinahagi Ang Dahilan Kung Bakit Walang Social Media Account Ang Kanyang Mga Anak

Marami sa mga kabataan ngayon ang nahuhumaling sa mga social media platforms, tulad ng Facebook, Instagram, TikTok at marami pa ngang iba.




At halos lahat nga ng mga kabataan, nasa hustong edad man o menor de edad pa lamang ay mapapansin natin na mayroon ng mga social media accounts.

Photo Credit: officialjuday/Instagram

Samantala, hindi nga naman lahat ng kabataan ay “in” na ngayon sa social media, dahil mayroon pa ring mga menor de edad , na ang mga magulang ay pagiging maingat at hindi sila pinahihintulutan pa, na magkaroon ng kanilang social media accounts.

Photo Credit: officialjuday/Instagram

Isa na nga rito nag aktres na si Judy Ann Santos, o mas kilala ng marami sa showbiz bilang si Juday. Ibinahagi ng aktres, na pagdating sa paggamit ng social media, ay mahigpit niya munang ipinagbabawal ito sa kanyang mga anak, at isa lamang ang simpleng dahilan nito.
“I told her, you have to follow the rules of what’s on Facebook.”

Photo Credit: officialjuday/Instagram

‘When you’re 18, that’s the only time you can have your Facebook or any social media account. “We don’t want to lie about your age. There are specific reasons why you have to be of age.”

Photo Credit: officialjuday/Instagram

“You have to responsible and there are contents in social media na nakakagulat mo and maybe hindi ka pa ready when you’re at this age.”

Photo Credit: officialjuday/Instagram

Ayon nga kay Juday, ay hindi maiiwasan na magtaka ang kanyang anak, kung bakit hindi niya pa ito pinahihintulutan na magkaroon ng social media accounts, sa kabila ng ang ibang mga kabataan ay mayroon ng kanya kanyang mga accounts sa mga social media platforms, kaya naman ipinaliwanag niya dito ang kanyang dahilan.

Photo Credit: officialjuday/Instagram

Isang simpleng dahilan na talaga namang makabuluhan. “Naniniwala ako na it’s not yet time. You have to be responsible already to have your accounts. Samantala, makikita naman sa “terms and conditions” ng Facebook apps, ang 13-taong gulang pababa ay hindi pa pwedeng magkaroon ng account sa kanila.

Photo Credit: officialjuday/Instagram

Batid nga natin na ang panganay na anak ni Juday na si Yohan, ay tumuntong na sa kanyang ika-16 na taong gulang noong nakaraan lamang, ngunit sa kabila nito, ay kinakailangan pa rin niyang sundin ang “rules” ng kanyang mga magulang, kung saan ito ay para sa ikabubuti niya.

Photo Credit: officialjuday/Instagram

Inamin naman ng aktres, na ang desisyon nila na hindi muna pahintulutan si Yohan na magkaroon ng social media accounts, ay dahil na rin sa pagiging isang “public figures”nila ng kanyang asawang si Ryan Agoncillo.

Photo Credit: officialjuday/Instagram

Dahil batid naman ng marami sa atin, nakapag “family member” ng isang artista, ay tila isa na ring celebrity sa paningin ng publiko, kung saan ang bawat galaw at sasabihin, ay agad napapansin.




“They don’t know the meaning of celebrity family [but] sabi ko, whatever you do is to magnified, whatever you say there’s a responsibility behind that.” “You have to think – since you’re considered a celebrity also – of things you’re going to put out [and] that will inspire people.”

“It’s inevitable, eh. You have to teach them na the responsibilities of being celebrity.”
Batid naman sa naging paliwanag ni Juday, na ang iniingatan lamang nito ang mga anak anak, at mas nais nito na mas handa na ang anak sa responsibilidad bilang isang anak ng celebrity kapag ito’y nagkaroon na ng social media accounts.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *