Judy Ann Santos Inialay Sa Ina Ang Natanggap Na Parangal Bilang “Best Actress” Sa Ginanap Na 41st Cairo International Film Festival

Hindi nga matawaran ang siyang naramdaman ng aktres na si Judy Ann Santos-Agoncillo dahil sa kanyang natamong karangalan. Parang lumulutang sa tuwa sa alapa-ap ang aktres ng siya ang tanghaling Best Actress sa ginanap na 41st Cairo International Film Festival.

Photo Credit: officialjuday/Instagram




Ang naturang parangal ay nasungkit ni Juday dahil sa hindi matatawaran niyang galing sa pagganap bilang isang Muslim woman sa pelikulang “Mindanao” na likha ni Brillante Mendoza.

Photo Credit: officialjuday/Instagram

Ayon kay Juday ay hindi niya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman saya sa karangalang kanyang natamo? Dahil noon ay pangarap lamang niya ay makasali sa isang pelikula s international film festival, n sana ay maexperience nya ito. Kaya’t hindi siya lubos makapaniwala na siya na nagsimula lamang sa mga teleserye ay itinanghal ngayon na Best Actress sa International Film Festival.

Photo Credit: officialjuday/Instagram

At sa kanya ngang natamong karangalan ay sinabi ni Juday na ang parangal na iyon ay iniaalay niya sa kanyang inang si Mommy Carol na alam nating lahat na ito talaga ang kanyang number 1 fan.

Photo Credit: officialjuday/Instagram

Ibinahagi ni Juday ang mga sakripisyo at ginawa ng kanyang Mommy Carol simula sa pagsisimula niya sa mundo ng showbiz, na kung hindi dahil sa kanyang mommy ay hindi niya makakamtan ang buhay na meron siya ngayon. Hindi naman matawaran ang saya at pagiging proud ni Mommy Carol dahil sa panibagong achievement na natamo ng kanyang anak na si Juday.

Photo Credit: officialjuday/Instagram

“My Mom is very very happy. Para sa kanya naman tong award na to eh. Lahat naman ng nanay, may kanya kanyang klase ng sakripisyo na binibigay para magbigay ng magandang buhay sa mga anak nila.” Saad ni Juday sa isang panayam sa kanya.

Ibinahagi din ni Juday na hindi niya nais na mapalampas ng kanyang ina ang screening. Kaya’y sinabi niya talaga sa kanyang ina na dapat ay naroon ito sa special block screening at kailangan mapanood nito.

“Wala akong ibang taong naisip noon kung di ang mommy ko. Kaya sabi ko sa kanya, kailangan andon ka sa special block screening,kailangan mapanood mo.” Ang muling saad ni Juday.




Hindi nga naman mapapantayan ang sakripisyo ng isang ina mabigyan lamang ng maayos na buhay ang kanyang anak, at isa ito sa ginawa ni Mommy Carol kaya’t ang kanyang anak na si Juday ngayon ay isa ng batikang actress sa industriya ng showbiz kaya’t talagang deserve din ni Mommy Carol ang parangal na natamo ni Juday.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *