Judy Ann Santos Nagluto At Naghanda Ng Masarap Na Pagkain Na Kanyang Ipinamahagi Sa Mga Frontliners

Hindi nga naman madali ang ating pamumuhay sa ngayon, dahil nga ito sa krisis na ating kinakaharap, kung saan ay marami sa ating mga kababayan ang talaga namang nahihirapan na.



Ngunit sa kabila ng kahirapan na dulot ng krisis sa ating bansa, ay batid natin na marami pa rin tayong dahilan upang patuloy na maging positibo sa ating buhay, upang tayo ay makabangon at magpatuloy sa araw-araw.
Photo Credit: officialjuday/Instagram
Samantala, sa kinakaharap natin krisis ngayon, ay talaga namang nariyan ang ating mga magigiting na frontliners, na siyang nangunguna upang matulungan ang bawat mamamayan.
Photo Credit: officialjuday/Instagram
Iba nga naman ang sakripisyo ibinibigay ng ating mga frontliners, kaya naman upang sila rin ay bigyan ng simpleng kaligayahan ay marami rin sa ating mga kababayan ang talaga namang sila’y inabutan ng simpleng bagay na pasasalamat.
Photo Credit: officialjuday/Instagram
Isa nga sa talaga namang nagpakita ng kanyang pagmamahal at pagpapahalaga sa sakripisyo ibinibigay ng ating mga frontliners, ay ang phenomenal actress na si Judy Ann Santos.
Photo Credit: officialjuday/Instagram
Katuwang nga ang Green Cross ay nakapagbigay at nakapag bahagi ng tulong ang aktres sa ating magigiting na mga frontliners, kung saan ay todo ang kanyang effort na ibinigay sa pagluluto at paghahanda ng Food packs para sa mga ito.
Photo Credit: officialjuday/Instagram
Sa kanyang IG account nga ay ibinahagi ni Judy Ann ang naging pagtutulungan nila, upang maihanda ang mga food packs na ibibigay sa mga frontliners.
Photo Credit: officialjuday/Instagram
“Today was a good day.. we had a privilege to make 300 food packs to our frontliners c/o my greencross family. [heart emoticon] thank you so much for the trust. And a big shout out to our cast members na kahit may bagyo, at 5 am they were all in westgate to start the prep already”.
“Walang [email protected] [email protected] sa pagbibigay malasakit sa kapwa.. libre at masarap sa pakiramdam ang magpakita ng malasakit at appreciation hindi lang sa ating mga frontliners… kundi sa lahat ng kapwa natin. Maraming salamat @nericbeltran for the custom made ppe’s of our cast members! Stay safe, healthy and positive everyone!



#@ngrydobo #madewithlove #protektahand.” Hindi nga lamang basta-basta ang mga binigay ni Judy Ann at ng kanilang cast sa mga frontliners, dahil ang mga ito ay talaga namang buong puso nilang inihanda, at mula nga sa naging preparasyon hanggang sa distribusyon nito ay talaga namang nanatiling hands-on ang aktres.
Inilahad din ng aktres, na kahit may bagyo ay hindi ito naging hadlang sa kanila, bagkus ay ipinagpatuloy nila ang pamimigay ng tulong at food packs sa mga frontliners.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *