Judy Ann Santos Tinuturuan Kung Paano Mag Shopping Ang Kanyang Mga Anak

Mahirap maging isang magulang lalo pa’t nagpapalaki ka ng mga bata. Ang pag-uugali ng isang bata ay nakadepende at salamin sa kung anong klaseng magulang at kung anong klase ng paraan ng pagpapalaki mo sa iyong mga anak.

Mainam na sa murang edad ay turuan na natin sila ng mga simpleng bagay na talagang ginagamit nila sa kanilang paglaki katulad na lamang ng pagiging mapagbigay at pagiging matipid. Isa ito sa mga praktikal na paraan upang maturuan ang mga batang maging masinop at mapanatili ang kagandahang asal.

Photo Credit: @officialjuday/Instagram




Ganito kung palakihin ni Judy Ann Santos ang kanyang tatlong anak kay Ryan Agoncillo. Ayon kay Juday, kanyang palayaw, palagi niyang inaabisuhan ang mga anak na dapat bumili ng isang bagay na mura. Bilang isang ina at asawa, mahigpit si Juday pagdating sa paghawak at paggastos ng pera. Bagama’t may sariling restaurant na Angry Dobo, nagtatrabaho parin sila bilang mga endorser ng mga produkto.

Photo Credit: @officialjuday/Instagram

Ayon pa kay Juday, hindi raw materialistic ang mga anak niya at talagang bibilhin ang murang bagay na nagustuhan nila. Hindi rin raw naniniwala ang kanyang mga anak na dapat mahal ang mga kagamitan nito. Marahil ay resulta ito ng kanilang hindi pag-introduce sa mga anak nila ng mga mamahaling mga kagamitan.

Photo Credit: @officialjuday/Instagram

Pagdating naman sa pag budget ng kanilang gastusin, hinahati niya sa tatlo ang kanilang kinikita. Ang isang bahagi ay para sa gastusin ng pamilya katulad ng matrikula ng mga bata, insurance, sweldo ng mga kasambahay at mga pang byahe nilang pamilya. Sa isang bahagi naman ay ang kanilang personal expenses na mag-asawa. Para kay Juday, ang tanging nakakapagpasaya lamang sa kanya ay ang pag go-grocery at pagpunta sa mga hardware stores.

Si Ryan naman ay nakahiligan ang kotse. Hinahayaan lang din ni Juday ang ganitong luho ni Juday ngunit sinisigurado niyang may entrega ito sa kaniyang sahod na mapupunta naman sa kanilang joint account. Tinuruan ni Juday ang kaniyang mga anak na maging mapagbigay.

Ayon kay Juday, sinabihan niya ang kanyang mga anak na dapat magbigay ng kanilang mga sobrang baon sa mga nangangailangan lalo na sa mga pulubi.
Nakakatuwa lamang na bagama’t sikat at may kaya sa buhay, hindi pa rin nakakalimutan ni Juday na magpalaki ng mga ganitong klase ng bata na marunong sumunod sa magulang at matulungin sa kapwa.




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *