Judy Anne Santos At Anak Na Si Lucio Ipinagluto Ng Pagkain Ang Mga Evacuees Na Apektado Ng Pagputok Ng Bulkang Taal

Ilang araw na nga ang lumipas magmula ng gulantangin ng Bulkang Taal ang Probinsya ng Batangas, matapos nitong magpaulan ng Ash Fall at ilang Lava spat na may kasama pang ilang beses na paglindol.

Photo Credit: ryan_agoncillo/Instagram




Dahil sa pangyayaring ito ilan sa mga bayan na malapit sa bulkang Taal ang nakalagay sa hindi magandang kalagayan na naging dahilan upang ang ating mga kababayan na nakatira sa mga lugar na iyon ay kailangan mag evacuate at pumunta sa mga evacuate center kung saan sila ay magiging ligtas.

Photo Credit: ryan_agoncillo/Instagram

Hindi nga mabilang ang mga taong nasa evacuation center ngayon na nangangailangan ng ating tulong dahil halos karamihan sa kanila ay walang naisalbang kagamitan dahil sa bilis ng pangyayari na ag-aalburuto ng bulkan.

Photo Credit: ryan_agoncillo/Instagram

Marami sa mga kababayan natin at mga karatig Probinsya ang nagpa-abot ng tulong sa Batangas. May mga bansa din na nagbigay ng donasyon sa ating bansa upang makatulong sa mga evacuee’s ng Batangas at mayroon ding mga kilalang personalidad katulad ng mga artista na taos pusong nagbigay ng kanilang maitutulong sa ating mga kababayan sa Batangas.

Photo Credit: ryan_agoncillo/Instagram

Isa sa mga artista na nagpa-abot ng kanyang maitutulong sa Batangas evacuee’s ay ang kilalang aktres na may mabuting kalooban na si Judy Ann Santos-Agoncillo. Katuwang din ng aktres ang kanyang buong pamilya sa kanyang pagtulong sa mga evacuee’s.

Photo Credit: ryan_agoncillo/Instagram

Sa Instagram ng asawa ni Judy Ann ay makikita na nagbahagi ito ng mga larawan ng aktres na kung saan ay makikita ito na busy sa pagluluto ng masarap na ulam sa ilang malalaking kaldero na dadalhin sa Batangas para sa mga evacuee’s.

Photo Credit: ryan_agoncillo/Instagram

Kilala ang aktres na si Judy Ann na magaling sa pagluluto kaya nga siya ay nakapag bukas na ng kanyang sariling restaurant. At dahil magaling magluto ang aktres ay siya mismo ang nagluto ng mga pagkain na kanilang ipamamahagi sa mga evacuee’s sa Batangas.

Photo Credit: ryan_agoncillo/Instagram

Sa kabilang banda naman, may mga larawan at video din na ibinahagi sa instagram ang asawa ni Judy Ann na makikita ang anak niyang lalaki na si Lucio na tumutulong sa pag preprepara ng mga pagkain na niluluto ni Judy Ann. Makikita si Lucio na nakaupo at nakaharap sa isang planggana na may nakalagay na mga chicken meats na gagamitin sa pagluluto ng kanyang mommy.

Photo Credit: ryan_agoncillo/Instagram

Sa instagram naman ng aktres ay ibinhagi niya na ang kanilang mga inihandang pagkain ay maka pagpapakain ng 35 families na nasa evacuation center. Ang mga pagkain rin na kanilang ipamamahagi ay sa reusable boxes nila inilagay upang maiwasan na din ang pag gamit ng mga plastic bags.

“These reusable boxes will be sent to 35 families tom. Affected by the taal eruption, because by using reusable boxes, instead of plastic bags ang paglalagyan natin ng ating mga tulong sa mga kababayan natin.. sabay nating natutulungan mabawasan ang pagdagdag ng basura sa mga evacuee’s areas.

Sama sama tayong babangon para sa mga kababayan nating nangangailangan ng tulong natin at pagdamay. #kapitlang #taaltamanaplease.” Ito ang inilagay na caption ng aktres sa kanyang instagram post.

Hindi naman nakapunta ng personal si Judy Ann sa Batangas upang ipaabot ang kanyang tulong, ang kanyang asawa naman na si Ryan Agoncillo ang nanguna sa pagbabahagi ng mga pagkain na niluto ng aktres na para sa mga pamilyang nasa evacuation center.




Ipagpasalamat naman ng mga evacuees ang pagkain na kanilang natanggap galing sa pamilya nina Judy Ann at Ryan, at muli hinangaan ang pamilyang ito dahil sa kanilang pagtulong sa mga kababayan natin na apektado ng pangyayari sa Taal Eruption.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *