Judy Anne Santos, Handa Umano Kung Sakaling Makipagkita Ang Tunay Na Magulang Ng Anak Na Si Yohan

Simula’t sapol pa lamang ay alam na ng mga tagahanga ni Judy Ann Santos na ang kanyang anak na panganay na si Yohan ay hindi niya totoong anak, ngunit ito ay kanyang minahal at inaruga na higit pa sa anak na dinala niya ng siyam na buwan at iniluwal mula sa kanyang sinapupunan.

Image Credit via Google




Sa naging pagpapakasal din ni Judy Ann sa ngayon ay kanyang asawang si Ryan Agoncillo ay tuluyang inadopt ng mag-asawa si Yohan. Ngayon na ang kanyang anak na si Yohan ay malaki na, ay hindi nga itinago ni Judy Ann dito ang totoong pagkatao nito, sinabi niya dito na ito ay isang adopted.

Image Credit via Google

Ngunit ipinaliwanag niya sa kanyang anak na si Yohan na ang pagdating nito sa kanilang buhay ang nagsimula ng lahat sa kanilang masayang pamilya na ito ang “mitsa ng kandila” ng pamilya, na bago pa dumating ang mga kapatid niya ay siya ang naging unang anak ng mag-asawa.

Image Credit via Google

Ngayon na alam na ni Yohan ang totoo sa kanyang pagkatao, ay nagtanong umano ito kay Judy Ann kung magiging ok lang ba kung gustuhin niyang makilala at makita ang kanyang mga tunay na magulang.

Image Credit via Google

Sa katanungang ito ni Yohan ay isang buntong-hininga ang hindi naiwasan ni Judy Ann.
“Huminga lang ako ng malalim. Iyon pala yon. Hindi mo naman siya pinagdadamot , saad ng aktres.” Pero from the time that she asked me that question I’m just preparing myself every day. ‘Lord, dumating man yung time na maging seryoso ang batang ito iprepare mo kami. Kasi hindi ko siya ipagkakait sa ganun.” Saad pa ni Judy Ann.

Image Credit via Google

Sa paglaki at pagkakaroon nga ng mas malawak na kaisipan ni Yohan ay mas nagiging curious ito sa kanyang pagkatao. Sa isang interview ni Judy Ann sa Tonights with Boy Abunda ay sinabi ng aktres na nagsisimula na magtanong ang bata sa pagkatao ng kanyang mga tunay na magulang.

Image Credit via Google

Sinabi ni Judy Ann na gabang siya ay nagmamaneho ay bigla na lamang umanong nagtanong si Yohan sa kanya. “Do you know my mom? Are you friends with my dad? Do you know where they live? Ang mga katanungan sa kanya ni Yohan.

Ang naging sagot ng aktres sa katanungang ito ni Yohan ay nagsimula sa isang malalim na paghinga. “No,” ang sabi niya kay Yohan “Sweetheart if at some point, you want to meet them, you want to talk to them … If you feel that there are questions already in your heart that’s piling up, and feeling mo sila lang ang makakasagot, we can look for them, because that is your right.”

Sa mga katanungan ngang ito ni Yohan kay Judy Ann, ay hindi maiwasan ng aktres na isipin na kung dumating man ang araw na maging seryoso si Yohan sa paghahanap at pakikipag kita sa mga tunay na mga magulang nito ay sana ay maging handa silang mag pamilya lalo higi’t silang mag-asawa dahil si Yohan ay isang bahagi ng kanilang buhay na nagsimula ng kasiyahan sa kanila.




“Huminga lang ako ng malalim . Iyon pala yon. Hindi mo naman siya pinagdadamot, pero from that time that she asked me that questions. I was preparing myself every day. “Lord, dumating man ang yung time na maging seryoso tong batang to, i-prepare mo kami. Kasi hindi ko siya ipagkakait sa ganun” saad ni Judy Ann Santos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *