Julia Barretto At Gerald Anderson Pinag-Usapan Sa Online Matapos Kumalat Ang Larawan Na Magkasama Umanong Nagtungo Sa Mt. Kulis

Muli na namang nagkaroon ng “clue” ang mga netizens, kung totoo nga bang may relasyon ang “humored couple” na sina Julia Barretto at Gerald Anderson, ito ay matapos na lumabas ang mga larawan ng dalawa na kuha sa Mt. Kulis, na tila silang dalawan ay magkasama.




Magkasama nga bang namasyal sina Julia Barretto at Gerald Anderson sa Mt. Kulis sa Tanay, Rizal, eto nga ang tanong ng maraming netizens.

Image Credit via Google

Nagsimula ngang muling mapag-usapan ang di umano’y relasyon nina Julia at Gerald, matapos magpost ng aktres ng kanyang larawan na kuha sa wooden boat na may bansag na “Noah’s Ark”.

Image Credit via Google

Ang wooden boat o tinaguriang Noa’s Ark, ay matatagpuan sa tuktok ng limestone rock formation, at ito ay malapit sa camp site sa Mt. Kulis. Ito ay isang hiking destination para sa mga nagnanais makakita ng sea of clouds.

Image Credit via Google

Kalakip ng larawan na ito na ibinahagi ni Julia, ay ang caption niya na;
“Up up and away”, saad ng aktres. Makikita nga na noong ika-29 ng Nobyembre ang naging post na ito ni Julia, ngunit hindi naman binanggit sa nasabing post ng aktres, kung siya ba ay may kasama mag-hiking sa Mt. Kulis.

Image Credit via Google

Hindi naman nakaligtas sa mga mapanuring mata ng mga netizens, ang hiwalay na litrato ng isang lalaking nakasuot ng mask at nakaupo sa isang heart-shaped bamboo structure na matatagpuan din sa Mt. Kulis.

Marami naman sa mga tagahanga ni Gerald ang tumukoy na ang lalaking nahagip ng kanilang mga mata sa isang larawan, ay ang aktor. Ito ay dahil napansin rin ng ilang mga tagahanga ng aktor, na ang lalaking nasa larawan, ay may kasamang aso na nasa paanan nito, na tila isang K9 dog na may hawig sa aso ni Gerald Anderson na si Koda.

Noon ngang ika-27 ng Nobyembre ay makikita sa Facebook na ilang mga tagahanga naman ng aktor, ang nag-repost ng larawan na ito ng binata.

Mas naghinala pa nga ang maraming netizens na talagang magkasama sa pag-hike sina Julia Barretto at Gerald Anderson, ng lumabas ang drone video na ibinahagi ng nakababatang kapatid ng aktor.

Ika-27 ng Nobyembre ng mag-post si Ken Anderson ng kanyang drone shoot sa Noah’s Ark sa Mt. Kulis, kung saan siya’y nakasuot ng white t-shirt na makikita nga sa kanyang shot.

Samantala, malayo man ang kuha ng naturang video, ay mapapansin ang isang babae na nakasuot ng black cup, at ang mahabang buhok nito ay naka-pony tail habang ito ay nakaupo sa bandang dulo ng wooden boat.

Kung titingnan nga naman ang naturang babae na kuha sa drone at ang larawan ni Julia Barretto na kanyang ibinahagi, ay tila pareho ang suot ng mga ito na black cap, white top at leggings.

Mapapansin naman na isang lalaki ang katabi ng babaeng pinaghihinalaan ng mga netizens na si Julia, at ang lalaki ngang ito na may suot na cap at itim na damit, ay sinasabi naman ng marami na ang aktor na si Gerald Anderson.




Kasunod naman ng hinihinalang magkasamang pamamasyal nina Gerald at Julia sa Mt. Kulis, ay naging bukas ang dalawa na i-promote ang kanilang pelikulang “Between Maybes” na streaming na ngayon sa Netflix.

Sa kabila naman ng marami ng ‘clue’ na may spesyal na relasyon sina Gerald at Julia, hanggang ngayon naman ay wala pa ring inaamin ang dalawa sa publiko.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *