Julia Barretto Ikakasal Na Rin Ba Soon Matapos Maipasa Sa Kanya Ang Bridal Bouquet ng Kanyang Kaibigan

Celebrity couple na sina Julia Barretto at Gerald Anderson, wedding bell ring soon na rin ba? Ito nga ang tanong ngayon ng maraming mga netizens, matapos na makakuha ni Juliia Barretto ng bridal bouquet sa dinaluhan nila ni Gerald na kasal ng kanilang kaibigan na sina Joe Vargas at Bianca Yanga.




Noon lamang ika-8 ng Hunyo taon ng kasalukuyan ng ikasal ang actor na si Joe Vargas sa kanyang nobyang si Bianca Yanga, at kabilang nga sa mga celebrity na dumalo sa espesyal na okasyon na ito sa buhay ng dalawa ay ang magkasintahang sina Julia Barretto at Gerald Anderson.

Image Credit via Google

Samantala, isa sa mga kaugalian sa kasalan, ay ang paghahagis ng bouquet ng bride ng nakatalikod, habang nag-aabang na magsasalo nito ay ang mga kadalagahan na dumalo sa kasal, at kung sino man nga ang makasalo ng nasabing bouquet ay pinaniniwalaan na siya na ring susunod na bride.

Image Credit via Google

Sa kasal nga nina Joe Vargas at Bianca Yanga, ay hindi rin nawala ang ganitong eksena, ngunit naging kakaiba lamang, at ito nga ang makikita sa ini-upload na video ng bride na si Bianca, kung saan napakaraming mga fans ng JuRald ang talagang hindi magkamayaw sa kilig at tuwa.

Image Credit via Google

Makikita nga sa ibinahaging video clip ng bride na si Bianca Yanga na siya ay nakahanda ng ihagis ang kanyang bouquet sa mga bridesmaid na nag-aabang, ngunit imbis nga na ito ay kanyang ihagis, laking gulat ng marami ng bigla na lamang ngang humarap si Bianca at iabot ang kanyang wedding bouquet sa aktres na si Julia Barretto.

Image Credit via Google

Maging si Julia ay nagulat din sa pangyayari, at makikita rin nga sa naturang video ang naging reaksyon ng nobyo ng aktres na si Gerald Anderson.

Image Credit via Google

Lalo namang naging aligaga ang maraming mga tagahanga nina Julia at Gerald sa inilakip na caption ni Bianca sa video clips na ito na kanyang ibinahagi, kung saan ay inilahad nga niya na ang kaibigang si Gerald mismo ang may gusto na sa nobya nitong aktres na si Julia mapunta ang nasabing bouquet.

 




“GUESS WHO’S NEXT?????? Tagging you @andersongeraldjr, sinunod ko ang gusto mo!”, saad ni Bianca Yanga sa kanyang caption. Dahil sa caption nga na ito ni Bianca, ay tila napatanong ang madla, kung may plano na nga ba si Gerald na i-level up na ang relasyon nila ng nobya. Hmmmm, ang JuRald na nga ba ang susunod na ikakasal at magpapatunog ng kampana ng simbahan?

Leave a Reply

Your email address will not be published.