Julia Barretto Ipinasilip Ang Ilang Bahagi Ng Kanyang Bagong Bahay

Setyembre 2019 ng ang isa sa mga kilala at sikat na teen actress sa henerasyon ngayon na si Julia Barretto ay lumipat sa kanyang bagong bahay, kung saan ay hindi naman ito kalayuan sa bahay ng kanyang ina na si Marjorie Barretto.

Image Credit via Google




Ang bahay na ito ni Julia ay isa sa kanyang mga naipundar para sa kanyang sarili na bunga ng kanyang mga kinikita sa pagtatrabaho niya bilang isang endorser, modelo at artista.
Bahagyang nagbahagi si Julia ng ilang mga larawan na kuha sa kanyang bagong bahay, at kapansin-pansin ng na sa mga selfie picture ng teen actress na ang kanyang bagong bahay ay halos napakaraming salamin.

Image Credit via Google

Ilan pa sa mga larawang ipinakita ni Julia ay ang mga selfie picture niya na kuha sa kanyang walk-in closet, sa may dining area, at maging sa loob ng bathroom ay nagpose ito at nagpicture.

Image Credit via Google

Isa rin sa mga gustong-gusto ng ABS-CBN actress sa kanyang bagong bahay ay ang full-length mirror na makikita sa loob ng kanyang bathroom. Mapapansin naman sa larawan ni Julia na kuha sa kanyang dining area, ang napakagandang table set-up na talagang napa-elegante tingnan.

Image Credit via Google

Sa kabilang banda naman, marami ang nagtatanong kung bakit pinili ni Julia na magpatayo ng bahay na malapit lamang sa bahay ng kanyang ina, at ito ay sinagot ng nasabing teen actress sa kanyang IG post:

“People often find it weird and usually ask me, ‘why?’ and I simple answer, ‘why not?”
“My mom is my bestest friend and my number one source of strength.”
“Even though she has raised me to be independent and brave, I still don’t see any reason why.”

Image Credit via Google

“Sa totoo lang kailangan ko pa rin siya.” “At least, I still get to have breakfast, lunch and dinner at her place. Makakatipid pa rin ako sa ulam at kanin.”

Ayon nga sa naging IG post ng the I AM U star, ay wala siyang rason para lumayo ng tirahan sa kanyang ina. Ngunit dahil sa ngayon ay may ipinapatupad na community quarantine sa buong Luzon, ay nananatili muna si Julia sa kanyang bahay kung saan ay nililibang niya ang kanyang sarili sa pag-aarange ng mga tanim niyang bulaklak at pagluluto ng kanyang pagkain sa araw-araw.




Si Julia Barreto o Julia Francesca Barretto Baldivia sa tunay na buhay ay ipinanganak noong March 10, 1997 sa Marikina. Ang kanyang ina ay si Marjorie Barretto at ang kanyang ama naman ay ang actor na si Dennis Padilla.

Siya ay may dalawang kapatid at ito ay sina Claudia at Leon. At may half-sister din siya sa side ng kanyang ina, ang kanyang ate Dani at ang nakababatang kapatid niya na si Erich.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *