Julia Barretto, May Ibinunyag Sa Tunay Niyang Nararamdaman Sa Dating Nobyong Si Joshua Garcia

Sa lahat ng ating mga naging kasintahan, may isa talagang taong tatatak sa atin, nakatuluyan man natin sa bandang huli o hindi. May isang namumukod tangi sa kanilang lahat. Ito ang taong pinagkatiwalaan sa mga bagay na akala mo’y sa sarili mo lamang itatago. Kadalasan, sila ang mga taong nakakaintindi, at nakakakilala sa ating tunay na pagkatao at sa ating pag-uugali. Kaya naman, kahit anong nangyari sa ating nakaraang relasyon, hinding-hindi mawawala ang ating pagmamahal na ibinigay sa kanila.

Photo Credit: @garciajoshuae/Instagram




Marami kang maaalala sa kanila katulad ng mga lugar na inyong pinagkainan o mga pinuntahan o hindi kaya’y mga bagay na sinabi at pinakita niya sayo para lamang napatunayang mahal ka niya. Bagama’t may bago tayong makakasama o magiging kasintahan, hindi pa rin matutumbasan nito ang pagmamahal na binigay ng taong lubos mong minahal at lubos na nagbigay ng pagmamahal sa iyo. Siguro ito nga ang pakiramdam ni Julia Barretto sa kanyang ex-boyfriend na si Joshua Garcia.

Photo Credit: @juliabarretto/Instagram

Sa isang panayam sa aktres noong ASAP Natin ‘To Bay Area na ginanap sa San Jose, California noong Agosto 3, walang pasintabi ng sinabi ni Julia na mamahalin niya si Joshua hanggang sa kanyang huling hininga. Ayon kay Julia, “supportive” at maunawain raw si Joshua pagdating sa maraming bagay. Kilalang-kilala rin raw siya ni Joshua.
Alam daw ni Joshua kung ano ang nilalaman ng puso niya.

Matatandang Abril nitong taon nang magdesisyon ang dalawa na bumalik sa pagiging matalik na magkaibigan lamang. Kasabay ng kanyang panayam ay ang pagkadawit ni Julia ngayon sa isang kontrobersyal na isyu. Sa hiwalayan nina Gerald Anderson at Bea Alonzo, marami ang nagsasabing si Julia raw ang naging ugat ng hiwalayan ng dalawa dahil naging “third party” raw siya. Maliban pa rito, inamin na rin ni Gerald na nililigawan niya si Julia kung kaya’t mas naging mainit pa ang balita. Sinagot naman ni Julia ang mga alegasyon ito sa kaniya at nagbigay pa ng mensahe para sa dating kasintahan ni Gerald na si Bea.

Video Credit: @Joshlia_INTl/Twitter




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *