Julia Barretto Nagsalita Na Sa Mga Paratang Ni Bea Alonzo Laban Sa Kanya Kaugnay Sa Isyu Nila Ni Gerald Anderson

Mahirap ang mag bintang ng isang tao para sa isang kasalanan na hindi niya nagawa. Hindi biro ang mag-akusa ng mga bagay sa isang tao dahil maliban sa makakasira ito ng isang reputasyon, maaari ka ring malagay sa panganib dahil sa iyong mga bintang. Pero minsan, para sa mga pinagbibintangan, hindi naman sapat na manahimik ka na lamang lalo pa’t alam mong wala kang ginawang masama.

Photo Credit: @juliabarretto/Instagram




Mas mahirap ang mga ganitong sitwasyon lalo na kapag ikaw ay nasa showbiz dahil malalaman at malalaman ng buong sambayanan ang mga mangyayari sa iyo.
Isa sa mga kontrobersiya ng mainit ngayon sa social media ay ang hiwalayang Bea Alonzo at Gerald Anderson.

Photo Credit: @juliabarretto/Instagram
Photo Credit: @juliabarretto/Instagram

Nitong nakaraan lamang ay gumawa ng ingay sa social media ang aktres na si Bea Alonzo matapos itong magpost gamit ang kaniyang Instagram account ng isang cryptic message. Kinumpirma naman ito ni Gerald Anderson at sinabing hiwalay na sila ni Bea at inamin niya ring nililigawan niya si Julia Barretto. Dahil dito, bumuhos ang reaksyon ng mga fans ni Bea at nagbigay ng mga komento tungkol sa aktor na si Gerald Anderson at aktres na si Julia Barretto.

Photo Credit: @juliabarretto/Instagram

 

Photo Credit: @juliabarretto/Instagram

Kasabay rin nito ang paglitaw ng mga litrato kung magkasama ang dalawa. Naungkat rin ng mga netizens ang hiwalayan nina Julia Barretto at Joshua Garcia at sinabing niloko lang raw ni Julia si Joshua.  At ngayon nga, sumagot na si Julia Barretto sa lahat ng mga paratang sa kaniya ng mga tao at nag-iwan pa ng mensahe para kay Bea Alonzo. Gamit ang kaniyang Instagram nagpost si Julia ng isang cropped na litrato nila ni Bea na kuha pa matagal nang panahon ang nakalipas. Kasunod nito ay ang kaniyang mga sagot sa mga paratang sa kaniyan at ang mensahe niya para kay Bea at sa lahat ng kaniyang mga bashers.

Photo Credit: @juliabarretto/Instagram

“These past weeks, my faith, my patience, and my strength were put to the test. I have endured many harsh words hurled against me and my family everywhere on social media. It is exhausting and painful. While some might have forgotten, I am also human,” panimula ni Julia. Dalawang paratang raw ang binabato sa kaniya; una, niloko niya si Joshua, at ang pangalawa ay naging dahilan siya ng pagkasira ng isang relasyon. Sa unang paratang, sinagot ni Julia na 4 na buwan na silang hiwalay ni Joshua at sa katunayan pa nga raw ay in anunsyo nila ito sa publiko at walang sinuman ang nadawit.

Photo Credit: @juliabarretto/Instagram

Sa ngayon, ang lahat daw ng kanyang ginagawa sa buhay ay hindi klase ng manloloko at hindi rin raw dapat pakialaman ng iba. Sa pangalawang paratang, sinabi ni Julia na nilinaw na ni Gerald ang hiwalayan nila ni Bea at sinabing wala sinumang dahilan ng kanilang hiwalayan. Nais raw ni Julia na maalis sa kontrobersiya nilang dalawa. Ngunit, nahila raw ang kanyang pangalan sa isyu at gusto na niyang magsalita. “Your heartbreak should have been a private matter, but you have selfishly turned it into something of national national concern. Bea, you wanted to keep your hands clean by not mentioning me in your controversial post, but with a click of your finger, in your sly way, to destroy me FOR YOU.

Photo Credit: @juliabarretto/Instagram

You have encouraged a culture of hate by purposely liking harmless photos, putting maliice into the minds of many, which resulted in the outrage and insults against me. You are a woman of great influence and following. You could have used that power to promote strength and grace in women, but instead, you’ve used that to promote social media irresponsibility. That is downright bullying.”

“You can play victim all you want, but I refuse to be your victim.”
Ayon pa kay Julia, hindi raw biro ang kanyang pinagdaanan at pinili niyang manahimik muna upang pag-aralan ang sitwasyon na kanyang kinasasangkutan. Bagama’t mahirap raw ang kaniyang sitwasyon, gusto niya paring manatili sa industriya ng kanyang minahal. Sinabi niya ring hindi siya magpapadikta at magpapaaepkto sa mga sasabihin ng ibang tao.
“This is me setting myself free and getting my soul back.”




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *