Julia Barretto Nilanaw Ang Tunay Na Nararamdaman Sa Dating Nobyo Na Si Joshua Garcia

Sa mga taong aking mamahalin at maging kasintahan ay mayroon sa mga ito ang talagang tatak sa ating puso at isipan na hindi natin basta-basta makakalimutan kahit pa ng aba ang taong ito ay hindi natin makatuluyan sa bandang huli.

Photo Credit: garciajoshuae/Instagram




Ito yung taong kasama natin ng matagal at ipinaramdam sa atin ang tunay na kahulugan ng pagmamahal, yung taong pagbibigyan mo ng iyong pagtitiwala at minahal sa kabila ng pag-uugali na meron ka.

Photo Credit: juliabarretto/Instagram

Hindi rin natin maiiwasan na kahit hindi na natin kasama o karelasyon ang taong ito ay nanunumbalik pa rin sa ating mga ala-ala ang mga oras,panahon at pagkakataon na silay ating nakasama lalong lalo na kung muli mong puntahan ang mga lugar na iyong minsan ng pinuntahan at naging saksi sa inyong masayang pagmamahalan.

Na kahit pa tayo ay mayroon ng bagong karelasyon o minamahal ay sadyang maiisip at maaalala mo pa rin ang pinagsamahan nyo ng taong talagang tumatak sa iyong puso at isipan.

Ang pakiramdam na ito ang ngayon ay nararamdaman ng aktres na si Julia Barretto matapos ang kanilang naging paghihiwalay ng dating nobyo na si Joshua Garcia. Matatandaan na noong Abril ng nakaraang taon ay inihayag ng dalawa na sila ay matalik na magkaibigan na lamang at kasabay nito ay ang paglabas ng kontrobersiya na ang aktres ay isa sa mga dahilan ng hiwalayang Gerald Anderson at Bea Alonzo.

Sa isang panayam naman sa aktres noong ASAP Natin To Bay Area na ginanap noong Agosto 3, 2019 sa San Jose, California ay muling inihayag ng aktres ang kanyang nararamdaman para sa dating nobyo na si Joshua. Sa kanyang naging pahayag ay mariing sinabi ni Julia na pakamamahalin niya si Joshua hanggang sa kanyang huling hininga.




Ibinahagi rin ng nasabing aktres na si Joshua ang isa sa mga taong sobrang nakakakilala sa kanyang pagkatao lalo na sa nilalaman ng kanyang puso, isa rin umanong supportive at maunawaing boyfriend ang nasabing binata.Sa kanyang twitter account rin ay nagbahagi si Julia ng mensahe na para sa dating nobyo na;


I love Joshua.
I love that guy.
I will love that guy until my last breath. <3 <3 <3
#joshlia <3 <[email protected] @BarettoJulia pictweeter.com
Hindi nga naman bastar nakakalimot limot ang puso, lalo na kung ang taong iyong kasama at minahal noon ay isang tao na karapat-dapat mahalin dahil sa kabutihan nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *