Julia Barretto Pinakilig Ang Mga Netizens Ng Magbigay Ng Matamis Na Mensahe At Halik Sa Nobyong Si Gerald Anderson

Muli na naman naging laman ng balita at usapin sina Julia Barretto at Gerald Anderson nito lamang nakaraang Linggo. Ito ay matapos ngang aminin na ng nasabing aktor, ang tunay na relasyon nilang dalawa ni Julia.




Ilang araw pa nga lamang ng aminin ni Gerald sa publiko, na silang dalawa ng aktres ay magkarelasyon na, sa naging one on one talk niya kay Tito Boy Abunda, ay ipagdiwang naman niya ang kanyang ika-32 taong kaarawan, kung saan ang nasabing selebrasyon ay naganap sa pagmamay-ari niyang pribadong resort sa Zambales.

Photo Credit: juliabarretto/Instagram

Nito ngang ika-7 ng Marso, araw ng Linggo, ay minarkahan ng aktor ang kanyang ika-32 taong kaarawan. At sa kanyang simpleng pagdiriwang sa kanyang pribadong resort, ay kasa-kasama niya ang mga mahahalagang tao sa kanyang buhay.

Photo Credit: juliabarretto/Instagram

Sa mismong araw ng kaarawan ni Gerald, mga bandang gabi na ay lumabas sa social media ang ilang mga larawan at videos na kuha sa naganap na ‘birthday party’ ng aktor.

Photo Credit: juliabarretto/Instagram

At tulad nga ng inaasahan, ang iba sa mga masugid na tagahanga at tagasubaybay ng aktor, ay hindi nagpahuli na kolektahin ang ilang mga larawan at video sa naging kaganapan sa nasabing pagdiriwang.

Photo Credit: juliabarretto/Instagram

Isa nga sa mga makikita sa video na talaga namang naging agaw-pansin sa mata ng publiko, ay ang naging birthday message ng aktres na si Julia Barretto sa kasintahang aktor, kung saan nga ay maririnig sa last part ng kanyang mensahe ang salitang;
“appreciate you and may God bless you.”

Matapos nga magbigay ng kanyang birthday message, ay makikita na humawak ang aktres sa braso ng nobyo, at akmang babalik na sa kanyang kinauupuan, ngunit hindi napigilan ang mga ilang bisita sa nasabing pagdiriwang na tuksuhin ang dalawa.

Dahil sa walang tigil na panunukso ng mga bisita, ay muli ngang bumalik ang aktres sa tabi ni Gerald, at kasabay nito ay ang pagbibigay niya ng isang matamis na halik sa ‘birthday boy’.

Samantala, maliban sa mga bisitang kaibigan nina Julia at Gerald, ay nahagip din sa naturang video at mga larawan, na naroroon rin sa nasabing pagdiriwang ang ina ni Julia, na si Marjorie Barretto. Makikita nga na nakasuot si Marjorie, ng all white outfit.




Sa ngayon nga ay wala pang, anumang mga larawan sina Gerald at Julia na ibinabahagi sa kanilang IG account na kuha sa naging selebrasyon ng kaarawan ng aktor.

Bago pa man nga ang birthday party na ito ng aktor, ay nauna ng nagbahagi ng pagbati si Julia para sa nobyo sa kanyang IG post, na ang nilalaman ay; “Every day I celebrate you, but today I am extra grateful [heart emoji] Happy Birthday my love, I SO PROUD OF YOU.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *