Julia Clarette Inalala Ang Dahilan Kung Bakit Niya Nagawang Iwan Ang Mundo Ng Showbiz

Si Edda Giselle Rosetta Nuñez Clarette o mas kilala sa industriya ng showbiz bilang Julia Clarete ay isang filipino singer, actress at host.




Higit pa siyang nakilala nang maging Co- host siya sa longest running noontime TV show na Eat Bulaga. Matatandaan na nagsimula si Julia sa kanyang karera taong 1996, na kung saan sa “Star Circle”Batch 4 siya unang nakilala.

Photo Credit: juliaclarette/Instagram

Matapos nga nito ay nagbukas na ang maraming pinto sa industriya para sa kanya. Kaya naman siya ay isa sa mga kilala natin sa showbiz industry bilang isang singer, actress at Television Host.

Photo Credit: juliaclarette/Instagram

Ngunit, matapos ang masayang buhay sa pagiging aktres at host nagpasya si Julia na iwan na ang mundo ng showbiz.Marani nga ang nagtatanong kung ano nga ba talaga ang naging dahilan ng kanyang paglisan sa industriya ng kanyang minahal.

Photo Credit: juliaclarette/Instagram

Limang taon na nga ang nakakalipas nang lisanin ng dating co-host ng Eat Bulaga na si Julia Clarete ang bansa at piniling manirahan sa bansang Malaysia. Dito na rin siya nakapag-asawa at bumuo ng pamilya.

Photo Credit: juliaclarette/Instagram

Matapos ang limang taon, muling inalala ng dating actress-host ang dahilan kung bakit niya iniwan ang showbiz. Nag-open up rin siya ng kanyang nararamdaman sa kanyang pagtalikod sa showbiz.

Photo Credit: juliaclarette/Instagram

Matatandaan, noong taong 2015 bago umalis ng bansa ang aktres ay naging usap-usapan na ito umano ang dahilan ng paghihiwalay nina Ciara Sotto at dati nitong asawa. Ngunit, mariing itinanggi naman ito ni Julia sa pamamagitan ng Facebook Live noong 2016.

Sa naging panayam sa kanya ni Toni Gonzaga sa programang “I Feel U” noong June 7, inamin ng dating co-host ng Eat Bulaga kung gaano siyang nahihirapan na lisanin ang showbiz dahil nga ito ay nakasanayan na niyang gawin.“

The first thing I did was just constantly pray kasi by then, you get peace of mind.You really just ask for guidance from God kung ano ba talaga ang gusto niya for you” pahayag ng aktres.Ngunit, ang paglipat niya sa ibang bansa ang nagbigay naman sa kanya ng dahilan upang sumubok ng ibang bagay.

“Parang I wanted to try something that was good. Something new, something good. What is it like to live in a different country? I was different person” dagdag pa ng aktres dahil sa desisyon niyang lisanin ang bansa at tumira sa bansang Malaysia.




Habang nasa bansang Malaysia ang 40 taong gulang na si Julia ay walang bahid ng pagsisisi ang nararamdaman ng dating aktres. Naramdaman niya na masaya siyang maging asawa ni Gareth McGeown at maging ina sa 13 taong gulang na si Sebastian.
“It was fun. There were a lot of challenges pero it was really fun.

When I had Seb, I was really a working mom. And then when Seb and I moved to Malaysia na, nagulat yung anak ko kasi sabi niya, “You’re just my mom now”.Muli nga bang magbabalik sa industriya ng showbiz si Julia?“The premise of me turning my back on showbusiness was because I was leaving for another country. But if I was gonna be based here, siyempre walang complete talikod” sabi pa ni Julia.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *