Julia Montes Kumpirmadong Magbabalik Na Sa Showbiz

Halos isang taon rin ng mawala sa limelight ang aktres na si Julia Montes matapos siyang magpahinga sa paglabas sa telebisyon at mga pelikula, ngayong taon y inaabangan ng mga tagahanga at supporter’s ng nasabing aktres ang kanyang pagbabalik pelikula at telebisyon. Matatandaan na ang huling naging proyekto na pinagbibidahan ni Julia ay ang “Asintado” ng Kapamilya network.

Photo Credit: montesjulia08/Instagram




Ngayong taon nga ay muling magbabalik ang tinaguriang “Daytime Drama Queen” na si Julia Montes at ayon ito sa naging anunsyo ng Cornerstone sa instagram.

Photo Credit: montesjulia08/Instagram

Sa naging anunsyo ng presidente ng Cornerstone Entertainment na si Erickson Raymundo ay kanyang inilahad na magbabalik na nga sa telebisyon ang aktres na si Julia Montes at may mga proyekto na ngang naghihintay dito ngayong taong 2020. Kalakip ng anunsyo na ito ay ang larawan na kung saan ay kasama niya ang aktres.

Photo Credit: montesjulia08/Instagram

“Welcome back {Julia Montes}! I can’t wait to share all the projects that have been lined-up for you in 2020. The months ahead are very exciting.”

Photo Credit: montesjulia08/Instagram

Sa naging pamamahinga ng aktres na si Julia Montes sa showbiz, at hindi paglabas sa telebisyon ng halos isang taon ay gumawa ito ng ingay sa social media kung saan ay naging usapan na ang aktres ay buntis at ang ama ay ang kanyang naging leading aktor at alleged boyfriend na si Coco Martin.

Photo Credit: montesjulia08/Instagram

Wala namang narinig na anumang pagtanggi o pagsang-ayon sa nasabing usapin mula kay Julia at Coco, hanggang sa mapabalita na ang aktres ay nanganak na kinumpirma ng mga renowned showbiz personalities na si Ogie Diaz at Cristy Fermin.

Nagbakasyon din umano ang aktres sa kanyang ama sa Germany at namalagi roon ng ilang buwan na kung saan ay para sa iba ay napakahaba na ng buwan iyon para lamang sa isang bakasyon.

Itinanggi naman ng talent agency, Cornerstone Entertainment ang nasabing balita na ang aktres ay buntis kaya ito ay biglang nawala sa showbiz. Kahit nga nawala ng ilang buwan sa limelight ay hindi naman nawala ang pagpapakita ni Julia ng kanyang suporta sa kanyang alleged boyfriend na si Coco Martin, dahil makikita sa instagram account ni Julia ay kanyang pagsuporta ng si Coco ay mag famous Paloma Outfit sa Metro Manila Film Festival.

Binati rin nito ang naturang aktor sa kaarawan nito. Matatandaan naman na nagkaroon ng interview si Coco na kung saan ay itinanong sa kanya kung may posibilidad ban a kasama niya si Julia sa FPJ Ang Probinsyano na sinagot na naman ng aktor na “Siguro may tamang pagkakataon. Actually , lahat naman ng mga artista na pwede makatulong sa show, syempre kami naman yung lumalapit.”




At ngayon nga sa muling pagbabalik telebisyon ng aktres na si Julia Montes ay excited na ang kanyang mga tagahanga sa kung anong proyekto ang kanyang gagawin at kung siya ba ay makakasama sa FPJ Ang Probinsyano.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *