Julia Montes Nagbalik Na Sa Showbiz Matapos Ang Matagal Na Pagpapahinga

Matagal na hindi nasilayan sa telebisyon ang mukha ng aktres na Julia Montes. Huling balita sa kanya ng kanyang mga tagahanga ay ng nagtungo ang aktres sa Germany, upang magbakasyon doon at nag-asikaso ng kanyang mga papeles ng citizenship.

Photo Credit: montesjulia08/Instagram




Huling serye ni Julia sa telebisyon ay ang “Asintado” kung saan ay umere ito ng halos walong buwan. Nito ngang nakaraan lamang ay muling naging usap-usapan ang aktres na si Julia Montes sa social media. Kung saan kumalat ang mga larawan niya sa Twitter, na agad naging trending online.

Photo Credit: montesjulia08/Instagram

Ayon sa mga tweets, ay nagbalik na si Julia Montes sa ating bansa. Matagal nga ang naging pagkawala ng 24-year-old actress sa showbiz na kung saan nag pamiss talaga sa kanyang mga tagahanga.

Image Credit via Google

Ayon sa mga nag tweet, ay namataan ang aktres na namimili sa isang Supermarket sa may Greenhills, San Juan City. Hindi naging malinaw kung anong petsa kinuhaan ang larawan ni Julia na kumakalat sa social media kasama ang isang fans nito.

Ng mabalitaan ito ng PEP o Philippine Entertainment Portal, ay agad silang nagsaliksik kung totoo nga ba ang kumakalat na balitang narito na sa ating bansa ang nasabing actress.

Image Credit via Google

At ayon na rin sa naging pagsasaliksik ng PEP, namili nga ang batang aktres na si Julia Montes sa Unimart Supermarket, sa Greenhills, San Juan City na kung saan kinumpirma naman ito ng mga staff ng nasabing supermarket.

Image Credit via Google

Sa mga larawan ni Julia na nag trending sa social media, ay makikita sa ibang larawan na nakasuot ito ng shades at sa iba namang kuha ay wala itong suot na salamin. Marami ang nagbigay komento sa mga nasabing larawan.

Image Credit via Google

Ang iba ay nag komento ng kasiyahan sa muling pagbabalik ng aktres sa ating bansa, at ang iba ay pinuri naman ang aktres dahil sa walang kupas pa rin ang ganda nito. May mga nag komento din na tila fresh na fresh ang itsura ngayon ng batang aktres.

Image Credit via Google

Marami nga sa mga netizens at mga tagahanga ni Julia Montes ang natuwa sa muling pagpapakitang ito ng aktres sa publiko. Hindi rin naiwasan sa mga nagkomento na maging usapan ang naging panganganak ng aktres.




Noong nakaraang abril nga ay nabalita na nagsilang ang aktres sa isang ospital sa Maynila. Ang iba ay nag komento na parang hindi nanganak ang aktres dahil sa fresh and young looks pa rin nito. Hanggang ngayon naman ay hindi pa rin naglalabas ng anumang reaksyon o pagkumpirma ang aktres sa balitang siya nga ay nanganak.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *