K Brosas Nagalit Sa Komento Ng Isang Netizens Dahil Sa Naging Bakasyon Sa Isla Ng Boracay

Samantala, sa kabila naman ng pagkakaroon ng [email protected]@, ay isa ang mang-aawit na si K Brosas, na nagpapasalamat, dahil sa huling quarter ng taong 2020, ay muli siyang nabigyan ng regular na trabaho.




Napabilang si K Brosas sa bagong noontime show ng TV5 na “Lunch Out Loud”, kung saan ay katrabaho niya sa nasabing programa ang ilan pang mga celebrity, tulad nina Billy Crawford, Alex Gonzaga, KC Montero, Wacky Kiray, Jeff Tan, Bayani Agbayani, Macoy Dub, Laboching at Ariel Rivera.

Photo Credit: kbrosas/Instagram

Ang nasabing programa na ito ng TV5 ay produced ng Brightlight Production. Maliban pa sa kanyang trabaho bilang host ng Lunch Out Loud, napabilang rin si K, sa isang pelikula kung saan kasama niya sa proyektong ito, ang aktres na si Elise Joson. Ayon nga kay K Brosas, nagkaroon pa sila ng shooting sa bansang Denmark, at kahit lockdown ang naturang bansa, ay matagumpay naman nilang natapos ang trabaho nila dito.

Photo Credit: kbrosas/Instagram

Sa kabila naman ng kanyang pagiging abala sa trabaho, nito nga lamang araw ng Pasko, ay muling nakasama ni K ang kanyang anak, at magkasama nilang ipinagdiwang ang selebrasyon ng kapanakan ni Hesus.

Photo Credit: kbrosas/Instagram

Ipinagdiwang naman ni K at ng kanyang anak ang Bagong Taon sa Isla ng Boracay, kung saan ay masayang ibinahagi ng host-singer sa kanyang social media account ang kanilang mga larawan.

Photo Credit: kbrosas/Instagram

“Good morning! Chillax lang basal ang muna ng book keme sabi sa weather forecast, 100% rain today pero eto anjan pa si Sunshine Cruz (mataas ang araw) habanaysdey! #galawgalawbagopumanaw #newyearVacay #blessed”, caption ni K sa isa niyang larawan, habang siya ay nakaharap sa napakagandang beach ng Boracay.

Isa namang netizens ang nakapansin ng post na ito ni K, na agad nagbigay ng tila isang negatibong komento sa bakasyong ginawa ni K.

“Like this for example, 9 months na tayo ganito. It is impossible to gate keep people’s social activities anymore. If you are strictly avoiding people and staying indoors. Thank you, for those who are not, it is their choice. Their risk”, komento nga ng isang netizens na may account name na @B-Aaron.

Agad naman itong sinagot ni K Brosas, at ito nga ang inihayag ng Lunch Out Loud host;
“May nag comment… bakit daw ako nagbabakasyon sa gitna ng mga nangyayari. Uhm pera niyo ba ginamit ko? May batas ba ko na sinuway? May inapakan o ginago ba ko? Pinagpaguran at pinaghirapan ko to, hindi ko ninakaw. Don kayo sa Philhealth magalit ng sagad, shutanginamez!”




Tila nga naman muntik ng ma-nega ang bakasyon ni K Brosas sa Boracay, ngunit agad naman nag-reply din si @B_Aaron, na siya ay tagahanga ni K, at tila sa reply nito, ay sinasabi lamang niya na concert niya para sa health nito.

“@kbrosas Yes po, I completely agree. Iwas po sa tao if possible, and self-monitor po kung may symptoms. Also, omg first time ako replyan ng artista HAHAHa hello po. I’m a fan”, saad nga ng netizens.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *