Kahit Nahilo Sa Paglalako Hindi Nya Pa Rin Binitawan Ang Kanyang Anak

Marami na tayong narinig at nabasang kwento ng mga ordinaryong tao na kung saan ay nagsilbing inspirasyon sa ating buhay. Malaki ang tulong ng social media dahil ito ang naging tulay para malaman ng mga tao ang estado ng pamumuhay ng kapwa nila.




sa Faceboo pa lang, may mga nakikita na tayong mga kamangha-manghang mga tao na dahil sa kanilang mga simpleng gawain ay nakukuha nila ang loob ng mga netizens. Mabuti na lamang at may mga mabuting loob na netizens na nakunan ng litrato ang mga taong alam nating hikahos sa buhay. Dahil dito, ang maraming mga netizens ang nagnanais na tulungan ang mga ganitong uri ng tao.

Katulad na lamang ng amang ito na hindi ininda ang hirap ng sitwasyon ng kanyang buhay. Pinagsabay niya ang pagiging responsableng ama at asawa para lamang mabuhay ang kanyang mag-ina. Hirap man sa buhay, nananatili pa rin siyang matatag.
Isang netizen ang nagkaroon ng pagkakataon na makunan ng litrato ang pambihirang pagkakataon kung saan makikita ang pagmamahal ng isang ama para sa kanyang anak at asawa. Sa Facebook page ng Hanep TV, ibinanagi nito ang litrato ng isang amang kargo ang kanyang anak habang nagtitinda sa bangketa.

Dahil sa hirap ng kanilang sitwasyon, kinakailangan niyang kumayod para maya ipakain sa kanyang anak at sa kanyang asawa. Sa gitna ng kanyang pagtitinda ay biglang nahilo ang masipag na ama dahilan upang mapa-upo sa bangketa, ngunit sa kabila nito ay hindi niya pa rin binitawan ang kanyang anak na kanyang kargo-kargo. Mabuti na lamang at may mabuting loob na binigyang lunas ang nahilong ama.

Kinakailangan niyang dalhin ang kaniyang anak sa paglalako ng kanyang paninda dahil walang mag-aalaga rito. Ang kanyang asawa ay may sakit kung kaya’t hindi rin nito alagaan ang kanilang anak. Hindi biro ang pinagdaanan ng ama at dahil sa binahaging litrato ng Hanep TV, marami ang naantig sa sakripisyo ng amang ito.




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *