Kakai Bautista Muling Binalikan Ang Kanyang Happy Moments Kasama Ang Gwapong Thai Actor Na Si Mario Maurer

Hindi napigilan ni Kakai Bautista ang muling makaramdam ng kilig, ng kanyang balikan ang panahon kung saan ay nakasama at nakatrabaho niya ang gwapong Thai actor na si Mario Maurer.



Si Kakai Baustista ay unang nagsimula bilang isang theater actress, bago pa man nga siya pumasok sa showbiz industry at maging isa na rin sa mga hinahangaan nating komedyante.
Image Credit via Google
Matatandaan na taong 2012, ay nakabilang si Kakai sa isang pelikula na rom-com, kung saan ito ay pinamagatang “Suddenly It’s Magic”, kung saan ang bumida rito ay anng aktres na si Erich Gonzales, at ang isang gwapong Thai Superstar actor na si Mario Maurer.
Image Credit via Google
Sa nasabing pelikula nga nakasama at nakilala ni Kakai Bautista si Mario Maurer, kung saan dito na din nagsimula ang pagiging malapit siya sa Thai actor.
Image Credit via Google
Dahil sa pagiging malapit ni Kakai kay Mario Maurer, ay nagkaroon ng kontrobersiya ang kanilang pagkakaibigan, na kung saan ayon sa komedyante ay muntik ng maging dahilan upang iwanan niya ang industriya ng showbiz.
Image Credit via Google
Sa naging pahayag nga ni Kakai sa isang panayam sa kanyang ng PEP, ay sinabi nito na taong 2015 pa ay wala na silang komunikasyon ng nasabing Thai actor, at dito na rin inamin ni Kakai ang muntikan niyang pagki-quit sa showbiz.
Image Credit via Google
“muntik na akong mag-quit ng showbiz noon. Kasi first time kong magka-ganoon.”
“Sinasabi ng mga tao [ginagamit ko raw siya]. Sabi ko nga, ‘Bakit ko naman gagamitin? Baka hindi lang kayo sanay sa mga sweet na tao at saka mababait talaga”, saad ni Kakai.
Image Credit via Google
Samantala, nito lamang nakaraan, ay muli namang nagbahagi si Kakai Bautista ng isang throwback video na kasama niya si Mario Maurer, at ito nga ay mga panahon na sila ay nag-guest sa “gandang Gabi Vice”, kung saan ay makikita ang pagkabighani ni Mario habang umaawit si Kakai.
Image Credit via Google
Makikita nga sa nasabing video, ang naging kabigha-bighaning titig ni Mario Maurer kay Kakai Bautista habang ito ay umaawit ng theme song ng pelikula na kanilang pinagsamahan.
Kalakip naman ng nasabing video ay ang caption ni Kakai na; “Mario was really kind and authentic. He was good to me until the end. I’ve seen so much of him that other people have never seen. (Siguro) I am forever grateful. Ang sarap ng feeling na kapag naaalala kita, puro masaya lang nagpaflash sa utak ko. Salamat sa pagdaan sa buhay ko.”



Hindi naman napigilan ng ilang mga netizens na muling kiligin sa nasabing video dahil sa naging reaksiyon ni Mario Maurer habang ito’y titig na titig kay Kakai Bautista.
Narito nga ang ilan sa mga komento ng mga netizens sa throwback video ni Kakai;
“Anlalalah!!!! Kinikilig pa din ako sa video na toh… waaah.” “Everytime napapapanuod ko to grabe pa din kilig ko” “Kinikilig din kaya ako sa inyo ni MM that time Ms Kay and na sad din after” Ano ang masasabi niyo sa naging pagbabalik-tanaw ni Kakai Bautista sa mga happy moments niya sa naging pagkakaibigan nila ni Mario Maurer?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *