Kakai Bautista Never Nakaranas Ng Ghosting Madalas Pala Siya Ang Nanggu-Ghost

Marami nang mga bagong termino ang naimbento ng mga bagong henerasyon ngayon. Tumaas na ang antas ng pag-iisip ng mga tao ngayon lalo pa’t nahaluan ito ng pagkakaroon ng mabilis na “access” sa internet at social media. Ilan sa mga ito ay nakalagay na sa diksyunaryo at ang ilan ang ginagamit na ng karamihan bilang isang tunay na “salita” na hango sa mga orihinal nitong kahulugan at binigyan ng panibagong kahulugan na kaparehas ng literal na kahulugan nito. Karaniwan sa mga salitang ito ay tungkol sa mga nasawing puso ng mga tao.

Photo Credit: kakai bautista/Google




Tila karamihan yata ng tao ngayon ay may problema sa pag-ibig o nagmamadaling makahanap ng pag-ibig kung kaya’t marami ang tumatangkilik sa mga ganitong salita.
Isang salita na nauuso ngayon ay ang salitang “ghosting.” Ang “ghosting” ay isang millenial term na tawag sa mga taong iniwan o nangiwan na lamang bigla nang walang paramdam. Ito ang unti-unting paglamig ng kanyang pakikitungo sa isang tao hanggang sa huli ay iwan niya ito nang walang dahilan. Marami sa mga kabataan ngayon ang nakaranas nito at marami na rin ang nasaktan dahil dito.

Photo Credit: kakai bautista/Google

Kilala si Kakai Bautista bilang Dental Diva dahil sa kanyang malaking ngipin at gilagid. Gayunpaman, ito ang naging dahilan ng kanyang pagsikat. Sa isang panayam sa kaniya sa press conference ng And Ai, Thank You, natanong si Kakai kung siya ba ay na “ghost” na ng isang tao.

Isa namang nakakasurpresang mensahe ang sinagot ni Kakai. Ayon kay Kakai, siya raw ang karaniwang nanggu-ghost sa isang tao. Paliwanag naman ni Kakai, iba raw siya magbigay ng atensyon kapag siya nagmahal. Hindi niya raw ito tinitigilan, at palagi niyang rin itong kinukulit. Pag-amin pa ni Kakai, control freak raw talaga siya. Pero kapag dumating ang panahong nagsawa na siya, doon na siya igo-ghost ang tao.

Iisipin niyang hindi ito nabubuhay sa mundo. Sabi pa nga niya, “Who you” talaga ang taong iyon dahil nga maldita siya. Bilang relasyon sa katanungan, hindi maiwasan na hingan siya ng komento tungkol sa sigalot nina Bea, Gerald, at Julia. Tikom naman ang bibig ni Kakai tungkol sa isyu at sinabi ng nagdadasal na lang niya na magkaroon ng maayos na katapusan ang isyung ito.




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *