Kambal Na Anak Ng Mag-Asawang Korina Sanchez At Mar Roxas Nagdiwang Ng Ika- 2 Taong Gulang

Kahit pa nga ba dumaraan tayo ngayon sa krisis dulot ng krisis na ating kinakaharap, ay hindi pa rin naman ito naging dahilan upang tayo’y hindi magdiwang ng mga masasayang okasyon sa ating buhay, katulad na nga lamang ng pagdiriwang ng ating kaarawan o kaarawan ng mga mahal natin sa buhay.




Kaugalian na nga natin na tuwing may kaarawan sa isang miyembro ng pamilya, ay talaga namang ito’y ating ipinagdiriwang sa simple o magarbong paraan man, at kadalasan nga ay kasama natin ang ating mga kapamilya at kaibigan sa araw na ito.

Photo Credit: korina/Instagram

Ngunit mula nga ng magkaroon ng krisis ay marami ang nagbabago kapag tayo ay nagdiriwang ng kaarawan. Kung noon ay kadalasan itong dinarayo ng marami sa ating mga kapamilya o kaibigan at ginaganap sa mga magandang kainan o lugar, ngayon nga ay mas pinili ng marami sa atin na magdiwang na lamang ng kaarawan sa loob ng tahanan.

Photo Credit: korina/Instagram

Katulad na nga lamang ng mag-asawang Mar Roxas at Korina Sanchez, na mas piniling ipagdiwang sa loob ng kanilang tahanan ang ika-2 taong kaarawan ng kanilang kambal na anak na si Pepe at Pilar.

Photo Credit: korina/Instagram

Sa kabila nga na sa loob lamang ng kanilang tahanan nagdiwang ang kambal ng kanilang kaarawan ay naging masaya pa rin ang kambal sa espesyal na araw na ito sa kanilang buhay.

Photo Credit: korina/Instagram

Tila nga sadyang napakabilis ng paglipas ng panahon, dahil parang kailan lamang ng ipinakilala ng mag-asawang Korina at Mar sa publiko ang kanilang mga munting sanggol, at ngayon nga ay dalawang taong gulang na ang mga ito.

Photo Credit: korina/Instagram

Nito nga lamang ika-12 ng Pebrero nagdiwang ng kanilang ika-2 taong kaarawan ang kambal, kung saan ay isang selebrasyon sa loob ng kanilang tahanan para sa mga anak ang inihanda ng mag-asawang Mar at Korina.

Photo Credit: korina/Instagram

Buong galak namang ipinasilip ni Korina sa kanyang Instagram ang ilang mga larawan na kuha sa naging kaganapan sa simpleng selebrasyon ng kaarawan ng anak niyang kambal.

Photo Credit: korina/Instagram

“My twins” lockdown 2nd birthday was super simple but so meaningful and happy for all of us [2 birthday cake emoji] Just family around, lots a balloon, 2 small cakes (thank you Tita Florabe) spaghetti and barbecue and they’re GOOD. We also danced to VST & Company ”

Photo Credit: korina/Instagram

Sa isa ngang maikling video na ini-upload ni Korina ay makikita ang naging enjoy na pag-ihip ng kambal sa kanilang birthday cake candle. At mapapansin din na maraming mga pandekorasyong kulay asul na lobo.

Maliban pa nga sa tig-isa ng cake ang kambal, ay mayroon ring handang barbecue at spaghetti. Kahit pa nga ganito lang kasimple ang naging selebrasyon nila ng kaarawan, ay makikita naman na masaya at nag-enjoy ang kambal sa naging pagdiriwang ng kanilang kaarawan.

Dagdag pa ni Korina, mga simpleng bagay lamang ay masaya na ang kanyang mga anak, katulad na nga lamang ng simpleng selebrasyon na ito sa kanilang kaarawan, hindi na umano kailangan ang engrandeng selebrasyon para mapasaya ang mga ito.

“Goes to show we need to have too grand an event to make children happy.” Samantala, sa hiwalay na post naman ni Korina, ay makikita ang naging pagbabago niya ng video kung saan ay makikita ang themed cake ng kambal, ang isa ay Humpty Dumpty at ang isa na naman ay Coco Melon, kung saan ito ay ang cake ng kambal sa pangalawang araw ng selebrasyon ng kanilang 2nd birthday.

“The babies lockdown 2nd birthday party was a hit with just balloons and cake. But these cakes from StarDust are really so adorable. Pepe en Pilar are into Humpty Dumpty these days, also Coco Melon.




So each of them had one. Another chance to blow the candle! Si manang Pilar panay saway kay Pepe. [laughing with tears emoji][red lips emoji][birthday cake emoji].

Matatandaan na naging ganap na magulang sina Korina Sanchez at Mar noong taong 2019, matapos na ang maisilang ng anak niyang kambal na si Pepe at Pilar sa pamamagitan ng gestational surrogacy sa United States.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *