Kambal Na Kapatid Ni Jinkee Pacquiao Na Si Janet Jamora Isinilang Na Ang Anak Nila Ng Asawang Si Steve “Tibo” Jumalon Na Isang Dating PBB Housemates

Noong ika-9 ng Enero 2021, ay ipinanganak na ni Janet Jamora, kambal ni Jinkee Pacquiao, ang anak nila ng kanyang asawang si Tibo Jumalon. Isa ngang malusog na “baby boy”, ang panibagong blessings na dumating sa buhay ng mag-asawa.




Ang masaya ngang balita na ito, ay ibinahagi ng dating Pinoy Big Brother housemates na si Tibo sa kanyang Instagram account.

Photo Credit: steve_jumalon/Instagram    

Makikita nga sa Instagram account ng dating PBB housemates, ang anging pagbabahagi nito ng ilang mga larawan ng kanilang munting baby boy, at sa pamamagitan ng isang Bible verse, ay inihayag ni Tibo, na ang pagkakaroon nila ng asawa ng isang malusog na sanggol, ay matagal na niyang ipinagdadasal na Diyos.

Photo Credit: steve_jumalon/Instagram

“1 Samuel 1:27 ‘I prayed for this child, and the Lord has granted me what I asked of him. ‘Glory to God!”, ang naging caption ni Tibo sa mga larawan ng kanilang baby boy.
Isang napaka-kyut ngang baby boy, ang magbibigay kasiyahan sa buhay ng mag-asawang Janet at Steve.

Photo Credit: steve_jumalon/Instagram

Bumuhos naman ang napakaraming pagbati para sa mag-asawa mula sa kanilang mga kaibigan at mga kapamilya, dahil sa napakagandang biyaya na dumating sa kanilang buhay.
Narito nga ang ilan sa mga naging pagbati para sa mag-asawa, na mababasa sa comment box ng post ni Tibo.

Photo Credit: steve_jumalon/Instagram

“Congartulations Janet at Tibo!” “AAHHHHH SO LOVELY!!! Congratssss”
“Congarts po sa inyo. Welcome baby” “Ang cute! Congarts Mr and Mrs Jumalon.”
Matatandaan na noong ika-14 ng Hulyo noong nakaraang taong 2020,

Photo Credit: steve_jumalon/Instagram

ng ibahagi ni Jinkee Pacquiao sa publiko na buntis na ang kanyang kakambal na si Janet, kung saan sa pamamagitan ng isang post sa kanyang IG account ay inihayag niya kung gaano siya kasaya para sa kanyang kakambal, na magiging isa nan gang mommy.

Photo Credit: steve_jumalon/Instagram

Noong buwan naman ng Setyembre 2020 ng magkaroon ng isang gender reveal ang mag-asawang Janet at Tibo, kung saan ay dinaluhan ito ng kanilang mga kaibigan at kapamilya, at dito na nga nila nalaman na isang baby boy ang kanilang magiging anak.




Samantala, hindi naman inihayag ni Tibo sa kanyang Instagram post, kung ano ang pangalan na ibinigay nilang mag-asawa sa kanilang baby boy.

Sina Janet at Tibo, ay nagpakasal noong taong 2016, sa isang intimate beach wedding na ginanap sa isang beach resort sa probinsiya ng Saranggani. At ngayon nga ang mag-asawa ay masayang naninirahan sa General Santos City.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *