Kambal Na Sina Joj At Jai Agpangan Na Dating Mga PBB Housemates Nagdiwang Ng Kanilang Ika-25 Kaarawan

Sina Joj at Jai Agpangan, ay ang kambal na housemate’s noon ng Pinoy Big Brother house na talaga namang nagbigay aliw sa bawat manonood nito. Tunay nga naman na nakaka-aliw pagmasdan ng kambal, lalo na ang pagiging malapit nila sa isa’t isa, kung saan sa bawat pagsubok na kinakaharap nila sa bahay ni Kuya, ay magkasangga silang dalawa.



Dahil sa kanilang ipinamalas ng talento at kakayahan sa loob ng bahay ni Kuya, ay matagumpay na nasungkit ng kambal ang ika-apat na pwesto sa naturang kompetisyon, kung saan ay ito na rin ang naging daan nila upang mas lalo pang makilala ng publiko at mapasok ang showbiz industry na kinabibilangan nila ngayon.
Photo Credit: jojagpangan/Instagram
Samantala, batid natin na ang kambal ay doble selebrasyon kapag sila ay nagdiriwang kanilang kaarawan, kung saan ay doble rin ang kanilang nadarama ng kasiyahan sa tuwing darating ang espesyal na araw na ito sa kanila lalo na kapag kasama nila ang kanilang pamilya.
Photo Credit: jojagpangan/Instagram
Nito nga lamang nakaraang ika-3 ng Setyembre, araw ng Huwebes ay nagdiwang ng kanilang ika-25 kaarawan ang kambal na sina Joj at Jai, kung saan ay doble-doble ang kaligayahan na kanilang nadama dahil sa hindi nila inaasahang surpresa na inihanda ng kanilang pamilya para sa kanila.
Photo Credit: jojagpangan/Instagram
Dahil sa kanilang labis na saya sa naging pagdiriwang ng kanilang kaarawan, ay nagpaabot ng mensahe at pasasalamat ang kambal sa kani-kanilang Instagram account para sa mga taong nagmamahal sa kanila, na ginawang mas espesyal pa ang araw ng kanilang kaarawan. Maliban pa rito, ay ibinahagi rin ng kambal sa kanilang Instagram account, ang mensahe nila sa isa’t isa.
Photo Credit: jojagpangan/Instagram
Makikita nga sa post ni Joj sa kanyang Instagram account, ang kanyang mensahe ng pasasalamat para sa kanyang kakambal na si Jai. Ayon nga kay Joj, hindi siya vocal sa pagiging malambing niya sa kakambal, ngunit nais niya umanong malaman nito na mahal na mahal niya ito.
Photo Credit: jojagpangan/Instagram
Narito nga ang naging mensahe ni Joj, para sa kanyang kakambal na si Jai.
“Fact: you need a JAI in your life,” bungad sa post ni Joj.
Photo Credit: jojagpangan/Instagram
“Because having a twins is a blessing, I thank the Lord God every day that you are with me, beside me, ready to take on what lies ahead without fear of taking risks or leaping into na unknown, and trusting that there is JAI who will never give up on me.”
Photo Credit: jojagpangan/Instagram
“I may not be very vocal to you twinny ‘coz to be honest guys we never say I love you to each other. (Awkward kasi parang mirror! Haha!) But with Jai, I can always be the best version of myself. Jai helps me balance things. ‘Coz she’s a ball of sunshine and my real time clown! No dull moments with her! Can’t imagine my 25 years of existence without her.
Photo Credit: jojagpangan/Instagram
I just wanna say that I’m always proud of you twinny! You’re a tough girl and a warrior. Keep shining! I love you Kapatid! You’re always worth it, remember that! Happy birthday to us! Cheers to adulating!”
Sa kabilang banda, ay nagbahagi rin si Jai ng mensahe sa kanyang Instagram account, ng pagbati niya sa kanyang kambal na si Joj para sa kanilang kaarawan, kung san ay kalakip ng kanyang mensahe ang mga larawan nilang kambal na magkasama na kuha sa kanilang birthday photoshoot.



“25 years of existence, of being together. We’re addicted and just can’t get enough. Just can’t get enough. Cheers to forever and always.”
Base sa mensahe nina Joj at Jai sa isa’t isa, ay talaga namang walang makakatumbas sa pagmamahal nila sa isa’t isa bilang kambal, kung saan simula pa lamang nga sa sinapupunan ng kanilang ina, ay magka-agapay na sila sa lahat, at magkadugtong na ang kanilang buhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *