Kapuso Actress Barbie Forteza Ipinasilip Ang Kanyang Naipundar Na Mamahalin At Napakagarang Van

Sa mga celebrity, ay mahalaga ang pagkakaroon nila ng mga gamit kung saan ay maging komportable sila, lalo na at talaga namang nakakapagod ang kanilang trabaho, dahil minsan ay ilang araw o linggo rin silang hindi nakakauwi ng kanilang sariling bahay kapag malayuan ang taping o shooting ng ginagawa nilang proyekto.




May mga pagkakataon pa nga na palipat-lipat sila ng lugar o inaabot ng madaling araw sa shooting o taping, kaya naman kinakailangan talaga na sila ay mayroong sariling sasakyan kung saan ay maging kumportable sila lalo na kapag sila’y magpapahinga dahil sa pagod ng kanilang trabaho.

Image Credit via YouTube

At dahil nga dito ay naging normal na sa mga artista sa pagkakaroon ng kanilang mga van na ubod ng laki, at kadalasan ang iba pa nga sa kanila ay pinapa-customized nila ng naaayon sa kanilang gustong disenyo ang loob nito.

Image Credit via YouTube

Samatala, hindi nga naman biro ang halaga ng mga ganitong uri ng sasakyan, kung saan ay inamin nga ng Kapuso actress na si Barbie Forteza na bago siya nakapag pundar ng ganitong klaseng sasakyan ay ilang luha at eyebags rin ang kanyang naipon.

Image Credit via YouTube

Ngunit ayon kay Barbie, ngayon na hindi na niya masyadong ginagamit ang kanyang sasakyan na ito, ay tila mas maging praktikal kung ibebenta na niya ang kanyang van.

Sa YouTube channel ng Kapuso actress, ay kanya ngang ipinakita sa pamamagitan ng isang video vlog ang loob at labas ng naturang sasakyan, bago pa man nga ito napasakamay ng iba kapag ito ay kanya ng naibenta.

Image Credit via YouTube

Ang sasakyan nga na ito ni Barbie ay isang 2018 Toyota Hiace Super Grandia LXV 3.0 na kulay puti, malaki, at ang loob ay talaga namang napakalakas ng espasyo. Ang bubong nito ay mataas, kaya naman kahit 5’2 ang height ni Barbie, ay nagawa niyang makatayo sa loob ng naturang sasakyan.

Image Credit via YouTube

Syempre sa loob nito ay makikita ang mga kumportable ng upuan, na maar ingang mahiga, kung saan ayon sa aktre ay talagang maging mahimbing at komportable ang kanyang tulog kapag siya ay nasa byahe at ito ang sasakyan na kanilang gamit.

Image Credit via YouTube

Pagdating naman sa may bandang likurang bahagi ng sasakyan ay mayroon pa ring malawak na espasyo, na ayon kay Barbie ay dito na nakalagay ang kanyang mga kagamitan lalo na kapag may shooting o taping siyang pupuntan, kagaya na nga lamang ng kanyang luggage na pinaglalagyan niya ng mga make-up at damit niya.

Image Credit via YouTube

Pagbabahagi pa niya, tunay na malaking tulong sa kanya ng naturang sasakyan niyang ito, ngunit dahil nga sa pandem!c ay hindi naman niya ito masyadong ginagamit kaya naman naisip niya na mas praktikal kung ito ay ibebenta upang mas mapakinabangan at magamit ng iba.

Image Credit via YouTube

Dalawang taon pa lamang umano na nagagamit ng Kapuso actress ang sasakyan niyang ito, kaya naman talagang napakaganda pa at ang tanging hiling nga niya ay mapunta ito sa tao na talagang deserve ito.

Bago naman tinapos ni Barbie ang kanyang YouTube vlog ay makikita rin ang naging pagbabahagi pa ni Barbie ng ilan pang detalye ng sasakyan niya, ganun din ang mga impormasyon kung sino ang dapat kontakin o kausapin ng mga magiging interesado na bilhin ito.




Panigurado naman na magiging maswerte ang taong makakabili ng sasakyan na ito ni Barbie, dahil maliban sa napaka-ayos, napaka-kinis at ganda pa nito, na tila bagong bago pa nga, ay mayroon rin itong sentimental value sa Kapuso actress.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *