Kapuso Actress Na Si Carla Abellana Ipinasilip Ang Kanyang Walk-In Closet Upang Pagbigyan Ang Kanyang Mga Tagahanga

Nauuso ngayon sa mga blog ng mga Pinoy celebrity ang mga ‘house tour’, ngunit isa sa mga pinaka-re-request ng kanilang mga tagahanga sa mga ito ay ang ‘closet tour’ o ang pagpapasarap ng kanilang walk-in closet.




Nais nang malaman ng kani-kanilang mga tagahanga, kung ano nga ba ang nilalaman ng mga walk-in closet ng kanilang mga iniidolong artista. At syempre malaman din kung ano ang mga paboritong brands at design ng mga ito, lalo na pagdating sa mga damit, bag o di kaya naman ay sapatos.

Image Credit via YouTube

Isa na nga sa mga celebrity actress, na ipinasilip sa kanyang vlog ang kanyang ‘closet’ ay ang napakaganda at napakahusay na aktres na si Carla Abellana. Kung saan ay isang ‘closet tour’ ang kanyang ibinahagi sa kanyang bagong vlog, ito ay upang pagbigyan ang hiling ng mga tagahanga niya.

Image Credit via YouTube

Ayon nga sa aktres, ang kanyang closet ay maliit lamang, kaya naman ang iba niyang mga gamit na hindi na magkasya na ilagay dito, ay nasa ibang kwarto na.

Sa ‘tour closet’ na ginawa ng aktres, ay makikita nga ang laman ng kanyang closet ay ang kanyang mga damit at sapatos. Kitang – kita rin kung gaano, ka-organized si Carla sa kanyang mga gamit, dahil sa maayos na pagkakasalansan ng mga ito.

Image Credit via YouTube

Sa kabilang kwarto naman ay ipinasilip ni Karla na naroroon ang kanyang mga bags, na napakarami na dahil sa ito talaga ay isa sa mga collections niya. Payo pa ng ani Carla, upang hindi masira ang mga bags ay kailangan nakakahinga ang mga ito.

Image Credit via YouTube

“Let your bags breathe in”, ani Carla. Ibinahagi rin ng aktres, na isa sa mga paborito niya sa kanyang mga bags collection ay ang kanyang mga Prada bags, na napakarami na nga, at iba-iba ang laki at kulay ng mga ito. Dagdag pa ng aktres, ang kanyang ‘Gucci Duffle bag’ naman ang ginagamit niya kapag siya ay nagta-travel.

Image Credit via YouTube

Huli namang ipinasilip ni Carla ang kanyang mga Hermes bags collection.
Samantala, sa kabila nga ng maraming mga mamahaling bag at sapatos ni Carla, ay hindi naman mararamdaman sa aktres ang pagyayabang habang ipinapakita niya ang mga ito, kundi mas nakita pa rin nga ang pagiging humble nito, na mas hinangaan nga sa kanya ng mga netizens at kanyang mga tagahanga.

Video Credit: Carla Abellana/YouTube

Narito nga ang ilan sa mga naging komento ng mga netizens sa ginawang ‘closet tour’ ni Carla; “You know the difference if a person is mayaman since birth and a biglang yaman, mayaman since birth is low key while vlogging like Carla, yung iba nagba-vlog para mag yabang.”




“She’s showing her branded bags and shoes pero wala talaga akong nakikitang yabang. Grabe, ang humble . So, simple with class. [two hearts emoji]
“You can see how simple she really is. She owns branded/luxury items, and yet, she manages to sound humble, and not bragging.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *