Kapuso Actress Na Si Glaiza De Castro Masayang Ibinahagi Na Siya’y Engaged Na Sa Kanyang Irish Boyfriend

Bago matapos ang taon, ay muling nadagdagan ang listahan ng mga celebrity na na-engage sa taong 2020, dahil napasama pa sa bilang ang Kapuso actress na si Glaiza De Castro, matapos mag-propose sa kanya ng kanyang Irish boyfriend, noon mismong bisperas ng Pasko.




Ilang oras nga bago sumapit ang Pasko, ay hindi inaasahan ni Glaiza De Castro, na isang napakagandang regalo ang matatanggap niya mula sa kanyang Irish Boyfriend na si David Rainey.

Photo Credit: glaizaredux/Instagram

Ang dalagang aktres, ay nasa Ireland nga ngayon, dahil ito ay doon nagdiwang ng kapaskuhan, kasama ang boyfriend niyang si David, at ang pamilya nito.

Photo Credit: glaizaredux/Instagram

Wala ngang kamalay-malay si Glaiza, na may plano na pala ang kanyang foreigner boyfriend na siya ay yayain ng magpakasal, kaya naman talaga ikinagulat niya ng ito ay mag-propose sa kanya, pero sa kabila nito, ay saya at excitement naman naman ang kanyang naramdaman ng sagutin na niya ito ng “yes.”

Photo Credit: glaizaredux/Instagram

Ibinahagi ni Glaiza sa kanyang Instagram, ang good news na ito, kung saan ay kalakip nito ay ang masayang larawan na magkasama sila ni David, at makikita na nga na suot suot na niya sa kanyang daliri ang isinuot nito sa kanya na engagement ring.

Photo Credit: glaizaredux/Instagram

“Who would’ve thought I’d said yes in freezing cold weather…. It just felt right”, ang naging caption ni Kapuso actress Glaiza De Castro sa kanyang IG post.

Photo Credit: glaizaredux/Instagram

Sa magandang balita nga na ito sa kanyang buhay, na ibinahagi ni Glaiza, ay agad na bumuhos ang mga “congratulatory message”, hindi lang mula sa kanyang mga tagahanga, kundi maging sa kanyang mga kaibigan rin sa industriya ng showbiz.

Photo Credit: glaizaredux/Instagram

Kabilang nga sa mga kaibigan sa showbiz ni Glaiza na nagpa-abot ng pagbati sa pagiging engage na ng aktres ay sina, Marian Rivera, Angelica Panganiban, Carla Abellana, Sarah Lahbati, Arnold Clavio, Kate Valdez at marami pa ngang iba.

Sina Glaiza at David ay halos nasa dalawang taon na ring magkarelasyon. Ayon nga kay Glaiza, buwan ng Pebrero taong 2019, ng una niyang makilala ang pamilya ng kanyang Irish boyfriend, ng magtungo at magbakasyon siya sa England para sa ika-30 kaarawan ng kanyang fiancé.




Early this year naman, ng magpunta si David sa Pilipinas, sa probinsya nina Glaiza sa Baler, Aurora para makilala na ang pamilya nito, ngunit dahil sa naabutan siya ng lockdown, ay ilang buwan din siyang namalagi at nanirahan sa tahanan nina Glaiza.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *