Kapuso Actress Na Si Sanya Lopez Ipinasilip Ang Kanyang Bagong Bahay

Sa lahat ng bagay na ating hinahangad sa ating buhay, ay talaga naman isa sa pinaka kinakailangan natin ay ang trabahuin at pagsikapan ang mga ito, upang maging posible ang pagkamit natin nito.



Katulad na lamang ng ilang mga kilalang artista sa showbiz, hindi naman lahat sa kanila ay ipinanganak na mayaman o maganda agad ang buhay, ang iba ay nagmula muna sa hirap ng buhay kung saan ay pagtitiya sa pagod at puyat sa kanilang trabaho ang kanilang naging puhunan upang maging posible ang matupad ang mga bagay na matagal na nilang pinapangarap sa kanilang buhay.
Photo Credit: sanyalopez/Instagram
Tunay nga naman na kung may pagsisikap at pagtitiyaga ay hindi magiging imposible na makamit ang bagay na iyong pangarap. At ang patunay nito ay si Kapuso Actress Sanya Lopez, kung saan ay talaga namang sinabi niya na “hard works pays off.”
Photo Credit: sanyalopez/Instagram
Ito ay matapos niyang ibahagi na sa wakas ay nakamit na rin niya ang isang bagay na kanyang pangarap, kung saan ito ang naging bunga ng kanyang pagsisikap bilang isang aktres at ito nga ay ang kanyang dream home.
Photo Credit: sanyalopez/Instagram
Sa kanyang Instagram account, ay buong saya na ipinasilip ng aktres ang kanyang napakaganda at modernong “dream house”, kung saan ayon sa kanya noon pa man ay pangarap na niya talaga ang makamit ito.
Photo Credit: sanyalopez/Instagram
Matatandaan na noong Nobyembre 2019, ay nag-house hunting si Sanya kasama ang kanyang kapatid na si Jak Roberto. Kung saan ng mga sandaling iyon, ay talaga namang pursigido silang magkapatid na makahanap ng kanilang bagong tahanan. Namili rin ang mga ito ng mga appliances para sa magiging bahay.
Photo Credit: sanyalopez/Instagram
Ayon sa aktres, noon ay pangarap lamang niya ang kanyang dream house, ngunit ngayon paglipas ng isang taon, ay heto na nga nakamit na niya.



Sa Instagram account ng aktres, ay nagbahagi ito ng kanyang larawan kung saan ay kuha ito sa naging pagbisita niya sa kanyang magiging bagong bahay. Ayon pa sa ilang mga ulat, ay dito rin umano nagdiwang ang aktres ng kaarawan nito noong ika-9 ng Agosto.
Kung titingnan ang larawan ng bagong tahanan ni Sanya Lopez, ay mapapansin na halos napapalibutan ito ng mga glass window, at ang disenyo nito ay tulad ng mga nauuso ngayon na modernong disenyo ng bahay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *