Kapuso Star Andrea Torres Nakakabighani Ang Ganda Sa Pagdiriwang Ng Kanyang Kaarawan

Labis na pinamangha ng Kapuso star na si Andrea Torres ang marami niyang mga tagahanga sa kanyang naging todo pasabog nang siya ay magdiwang ng kanyang kaarawan kamakailan lamang.




Tunay ngang kabighabighani ang ipinamalas na kagandahan ni Andrea sa kanyang naging birthday photoshoot, kung saan isa sa kanyang mga larawan ay nakasuot siya ng black dress na mayroong white ribbon na talaga namang naging glamororoso ang kanyang naging dating lalo na’t bagay na bagay sa kanyang ganda ang outfit niya.

Photo Credit: andreaetorres/Instagram

Mababasa naman sa naging caption ng larawan na ito ng aktres ang kanyang mensahe na punong puno siya ng kasiyahan at ang pasasalamat niya sa Poong Maykapal.

Photo Credit: andreaetorres/Instagram

“So many times I literally felt time stop, my jaw drop, in amazement. The most number of prayers answered. Miracles unfolding one after the other”, ang naging saad ni Andrea.

Photo Credit: andreaetorres/Instagram

Pinasalamatan din ng aktres ang lahat ng mga taong nagbigay ng oras at effort para sa kanya, unang-una na nga ang kanyang mga kapamilya, mga kaibigan at ganundin ang kanyang mga tagahanga na walang sawang sumusuporta sa kanya.

Photo Credit: andreaetorres/Instagram

“You’re all big part of this. Every day I make a list of the things I am grateful for and safe to stay… I am bursting [red heart emoji]. I’ll bring all of this with me. wishing good health, protection, strength and happiness for all of us. Looking at the future bright-eyed and eager.”

Photo Credit: andreaetorres/Instagram

Para sa espesyal na araw na ito sa buhay ng aktres ay nakatanggap siya ng napakaraming mga pagbati mula sa lahat ng mga taong sumusuporta at nagmamahal sa kanya. Umabot nga sa 600 na birthday greetings ang kanyang natanggap.




Ilan naman sa mga kapwa niya celebrity na bumati sa kaarawan niya ay sina Carla Abellana, Jennylyn Mercado,Wzynwyn Marquez at Sanya Lopez. Matatandaan naman na sa unang araw ng buwan ng Mayo petsa uno, ay nagbahagi si Andrea ng kanyang napakagandang larawan sa social media niya, bilang pagbubukas niya sa birth month niya, kung saan ito ay talaga namang ikinamangha ng maraming mga netizens.

Sa ngayon ay magiging kaabang-abang para sa lahat ang upcoming project ni Andrea Torres, at ito nga ay ang pag ganap niya bilang si Diana sa “Legal Wives”, kung saan ay makakapareha niya rito ang aktor na si Dennis Trillo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *