Kapuso Star Na Si Barbie Forteza Matapang Na Hinarap Ang ‘Fear of Heights’ Ng Bumisita Sa Bohol

“I faced my fear of heights and climbed 220 steps just to see the beautiful Chocolate Hills.” – Barbie Forteza.Marahil lahat tayo ay may mga bagay na kinatatakutan sa ating buhay. Mayroon sa atin na takot sa madilim o masikip na lugar, may takot sa manika, at mayroon ding takot sa mga matataas na lugar o kung tawagi nga ay ang ‘fear of heights.’




Ang Kapuso actress na si Barbie Forteza ay isa lamang sa may ‘fear of heights’, ngunit kamakailan nga lamang ay kanya itong matapang na hinarap.
Sina Barbie Fortez at Jak Roberto ay isa lamang sa mga showbiz couple na sinusubaybayan at hinahangaan ng marami. Bukas sa publiko ang kanilang relasyon, kung saan madalas nga nilang ibahagi sa kani-kanilang social media account ang mga sweet moments nila o di kaya naman ay ang mga adventure at travel nilang magkasama.

Photo Credit: barbaraforteza/Instagram

Makikita sa mga travel at adventure ng magkasintahan na bukod sa maga magagandang beach na kanilang pinuntahan, ay hindi rin nga nila pinalampas ang mabisita ang isa sa mga pinakakilalang atraksyon sa probinsya ng Bohol at ito nga ay walang iba kundi ang Chocolate Hills.

Photo Credit: barbaraforteza/Instagram

Sa kanyang Instagram account ay ikinuwento ng Kapuso actress ang naging karanasann niya para lamang makita ang sikat na atraksyon, kung saan ay kanya ngang sinambit na kinailangan pa niyang matapang na harapin ang ‘fear of heights’ niya para makita niya ang kagandahan ng Chocolate Hills na talaga din namang kinamanghaan niya ang ganda ng itinatago nitong tanawin.

Photo Credit: barbaraforteza/Instagram

“I faced my fear of heights and climbed 220 steps just to see the beautiful Chocolate Hills. Thank you so much [Jak Roberto] for holding my hand all the way. I love you,” sulat ni Barbie.

Makikita naman sa post na ito ni Barbie ang komento ng kanyang nobyong si Jak Roberto, kung saan ay nagbiro nga ito na hindi naman mataas ang inakyat nila.
“Di naman halatang mataas ‘yung inakyat natin Madam hahaha”, Biro naman ni Jak sa post na ito ng nobya.

Sagot naman dito ng aktres, “Halata sa pawis mo. Hahaha! Sorry ‘di ko nadala face towel mo.” Ayon sa ulat sina Barbie at Jak ay nag-beach trip sa Bohol, ito ay bilang selebrasyon nga nilang magkasintahan ng kanilang ika-5 taong anibersaryo.




Unang ibinahagi ng aktor ang masayang beach trip nilang ito ni Barbie noon ngang ika-5 ng Mayo. Ayon pa kay Jak, isa ito sa pinapangarap niyang trip kasama si Barbie matapos na maging abala sa bagong Kapuso serye na may titulong “Bolera.”

Leave a Reply

Your email address will not be published.